^

Pang Movies

Wally malakas na ikinakampanyang makabalik sa trabaho

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang lumalakas ang kampanya ng fans para ibalik na si Wally Bayola sa Eat Bulaga. May observers pa ngang nagsasabi na mukhang na-miss na lalo ng mga fans si Wally nang mag-replay ang Eat Bulaga ng kanilang past shows o ang mga “the best of 2013”  kung saan nakita si Wally.

Nawala lang naman si Wally matapos na pagpahingahin muna siya ng management ng Eat Bulaga matapos na masangkot sa isang sex video scandal na kasama ang isa pa sa kanilang mga dancer pero sa palagay naman namin pinagsisihan na iyon ni Wally at tama na naman siguro ang kanyang pagdurusa. Ilang buwan na rin naman siyang walang trabaho at ang masakit hindi lang siya sa TV nawala. Noong mawalan siya ng TV shows, maski doon sa mga comedy bar na dati niyang nilalabasan nawala na rin siya.

Sabi nila, choice naman daw iyon ni Wally. Gusto na muna niyang magpahinga pagkatapos ng gulong iyon pero naniniwala kami na kung babalik ngayon ang komed-yante limot na rin naman ng mga tao kung ano iyong naging gulo noon at dahil apologetic naman siya from the start, naniniwala kaming pinatawad na siya ng publiko.

Sayang naman ang talent ni Wally. Hindi natin ma-ikakaila na marami siyang napatatawa. Marami si-yang napasasaya. Kami rin eh. Napapatawa kami ni Wally. Simula pa lang noong una namin siyang mapanood sa isang comedy bar sa Las Piñas, sinasabi na namin na malayo talaga ang mararating niya at matindi ang kanyang comedy.

Sayang ang mga ganyang talent. Sayang din naman dahil malakas si Wally sa fans at may batak pa rin naman siya para sa kanilang show. May nagsasabi pa ngang mukhang hindi naman gano’n ka-effective maging si Jose Manalo nang mawala ang ka-tandem niyang si Wally.

Dapat nga sigurong isipin na nilang ibalik si Wally.

Mahiwagang pagkamatay ni Alfie Anido naaalala tuwing Rizal Day

Sa araw na ito, 32 taon na ang nakararaan, pero naaalala pa rin namin ang mga balita. Ang noon ay pinakasikat na matinee idol, si Alfie Anido ay namatay. Birthday din niya itong araw na ito.

Maraming nahihiwagaan sa pagkamatay ni Alfie. Maraming mga tanong na hindi pa rin nasa-sagot nang lubusan hanggang ngayon. Una, hindi maliwanag ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari, at inamin noon ng Makati Police na nai-report sa kanila ang pangyayari kinabukasan na. Ang gumawa ng imbestigasyon ay ang PC (Philippine Constabulary), samantalang iyon ay isang police matter.

May magkakaibang reports. Sinasabing binaril niya ang kanyang sarili, may report naman sa isang broadsheet na nagsasabing bukod sa tama ng baril sa ulo, may tama rin siya ng baril sa dibdib. I-yan ay hindi mapatunayan dahil ni walang record ng pangyayari sa Criminal Investigation Service noon.

Wala na si Alfie at sa palagay namin naibaon na nga sa limot ang lahat. Pero patuloy pa rin siyang naalala ng fans hanggang ngayon.

MMDA umamin na sa mga pelikulang tinatanggal sa sinehan

Inamin din ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na inalisan na nila ng si-ne-han ang mga pelikulang hindi kumikita sa Metro Manila Film Festival. Hindi nila inamin na may mga sinehang hindi nagbukas noong first day pa dahil wala namang pumapasok para manood sa isang pelikulang kasali.

Bakit kasi nila pinipilit na walo ang pelikulang isali kung hindi rin naman kikita? Makakagulo pa sila sa film festival.

ALFIE

ALFIE ANIDO

EAT BULAGA

NAMAN

RIN

SAYANG

SIYA

WALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with