^

Pang Movies

Maricel, inaalam na kung paano nanalo ng best actress trophy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May mga kakilala ako na pinanood ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy noong Sabado dahil gusto nilang malaman kung bakit si Maricel Soriano ang nag-win ng best actress trophy sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) awards.

Hindi ko pa sila nakakausap matapos manood ng sine kaya hindi ko pa alam ang kanilang reaksiyon at opinyon kung may karapatan na manalo si Maricel dahil para sa mga nakapanood ng Shoot to Kill: Boy Golden, mas deserving na magwagi si KC Concepcion.

10K ni Robin nadagdagan ng moviegoers

Hindi pa nakaka-boundary ang 10,000 Hours, ang reklamo ni Robin Padilla sa awards night ng MMFF.

Nagbago na siguro ang statement ni Robin dahil pinipilahan na ang 10,000 Hours bilang ito ang best picture ng MMFF 2013.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang 10,000 Hours. Graded A din ng CEB ang Boy Golden pero wala itong napana­lunan na award maliban sa best float na hindi naman makakahatak sa takilya ng manonood.

Aktor sa TV lang napapa-pogi, pumangit na sa personal!

Poging-pogi sa TV ang aktor na si D pero ibang-iba ang hitsura niya sa perso­nal. Nadismaya nga ako nang makaharap ko nang personal si D dahil malayung-malayo ang mukha niya sa TV.

Hindi naman mukhang pagod si D na masaya sa piling ng asawa at anak kaya wondering ako kung bakit nalos­yang siya?

Kailangan siguro ni D ng mahaba-habang bakasyon para makapagpahinga siya. Sa totoo lang, biglang tumanda ang kan­yang hitsura. Siya pa naman ang in demand na in demand sa mga TV commercial noong hindi pa niya pinapasok ang mundo ng showbiz.

Louise nagpakita na ng ‘kambal’

Napanood ko sa Tigbakan segment ng Startalk ang gown na suot ni Louise delos Reyes sa MMFF awards.

Takaw-pansin ang dibdib ni Louise na nakabu­yang­yang. Parang pang-early promo ng Kambal Sirena ang nakabalandra na dibdib ni Louise.

Ang Kambal Sirena ang coming soon teleserye ni Louise. Sa title pa lang, obvious na sirena ang role ni Louise pero mahigpit ang review and classification board sa mga breast exposure kaya hindi dapat umasa ang mga mhin na magbubuyangyang siya ng dibdib sa Kambal Sirena.

Carla nag-date ng madungis at magulo ang buhok

Mahusay din daw ang acting ni Carla Humphries sa 10,000 Hours pero tinalo siya ni Aiza Seguerra sa best supporting actress category.

Nakabuyangyang din ang dibdib ni Carla nang dumalo siya sa awards night ng MMFF. Isang foreign guy ang date ni Carla na umagaw rin ng atensiyon dahil sa kanyang buhok na gula-gulanit. Hindi man lang nag-aksaya ng panahon na magsuklay ang dirty-looking date ni Carla na parang napakaraming kuto sa ulo at nagmula sa lumang sibilisasyon.

                                                    

 

AIZA SEGUERRA

ANG KAMBAL SIRENA

BOY GOLDEN

CARLA

CARLA HUMPHRIES

GRADED A

KAMBAL SIRENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with