Kimmy Dora, zero sa MMFF awards night
Humakot ng katakut-takot na parangal ang 10,000 Hours na pinagbibidahan ni Robin Padilla sa ginanap na 39th Metro Manila Film Festival Awards Night nung Biyernes. May 14 awards na napanalunan ang pelikula kabilang na ang major categories.
Of course, masayang-masaya ang buong team ng pelikula lalo na ang mga producer dahil noon pa ay ito ang wish nila – ang manalo ng award. We remember nga na sinabi ng isa sa producers na si Neil Arce na mas gusto niyang magkaroon ng award kaysa kumita.
At natupad nga dahil hindi man gaanong kumikita ang pelikula, sandamakmak namang awards ang tinanggap nila.
Samantala, ang top grosser naman na My Little Bossings ay nakahamig ng apat na awards.
Sadly, walang nakuhang award ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel pero ang bida naman nitong si Eugene Domingo ang hinirang na Female Star of the Night habang si Daniel Padilla naman ang napiling Male Star of the Night.
Fans nina Daniel at Kathryn nakapagpasakit ng tenga sa loob ng sinehan
Komento ng isang kaibigan naming nakapanood ng Pagpag: Siyam na Buhay, horror film na nga raw ito pero ayaw pa ring paawat ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil mga kinikilig daw ang mga ito sa loob ng sinehan at panay ang sigawan sa tuwing may eksena ang dalawa or kilig moments o, minsan nga raw, lumabas lang ang mga ito sa screen ay nagsisigawan pa rin.
Bukod dito, sigawan pa rin daw ang maririnig sa tuwing may nakakatakot na eksena kaya, say ng kaibigan namin, paglabas niya ng sinehan ay masakit ang kanyang tenga.
Hahaha!
- Latest