^

Pang Movies

Melai takot na takot sa aswang, bahay sa Gensan tinambakan ng bawang

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maraming nabuking na ugali ni Melai Cantiveros nitong magsama na sila ni Jason Francisco matapos silang ikasal.

Ayon kay Jason, ‘yung bahay daw ni Melai sa Gensan ay punum-puno ng bawang dahil takot ito sa aswang, lalo na ngayong buntis ito at malapit na ring manganak.

Ayaw din daw ni Melai ng cheese.  “Kapag kumakain ng cheese, nahihilo at nagsusuka siya,” admit niya.

Hindi rin daw mahilig mag-toothbrush si Melai.  Ayaw nitong magluto.  “Kasi nga buntis ako, ayaw kong masyadong mapagod.”

At ano ang wish ni Melai sa pagsasama nila ni Jason?  “Basta ayokong mauwi sa annulment ang relasyon namin ni Jason,” buong ngiti niyang sabi sa programang Kris TV.

Na ikinagulat ni Kris.  “Bakit ka nakatingin sa akin nang sabihin ko ang ‘annulment’. Pero okey lang, kasi matagal na naman akong annulled, e.”

KC ayaw maging megastar

Sa mga nakaunang nakapanood ng Shoot to Kill:  Boy Golden, walang kumwestyon kung bakit ang bata-bata ni KC Concepcion bilang leading lady ni Gov. ER Ejercito (George Estregan).

Sabi naman ni KC, walang problema doon dahil ang role naman niya ay tungkol sa isang  babaeng maraming karanasan sa buhay.

Daring nga ang role niya pero nilinaw niyang hindi daring na ipapakita niya ang kanyang katawan.  “Kaya ko gusto ng ganitong klaseng role kasi nakapag-experiment ako.  Saka ayokong i-expect ng tao na ginagaya ko ang mother ko sa mga roles niya sa pelikula kaya medyo umiba ako ng linya.  I don’t want to be compared with her.  She is what she is.  I have my own persona.”

Pero inamin naman niyang si ER ay halos kasing edad ng parents niya. “But Gov. ER is very supportive of me.  At natutuwa ako nang sabihin niyang itong pelikulang ito ay tailor-made para sa akin.  He also told the press na ako nga raw dapat mag-best actress sa Metro Manila Film Festival.  Kung hindi raw ako manalo, dinaya ako!  Wow, what a statement!  To tell you the truth, wala akong iniisip na manalong best actress.  When I accepted this role, I liked it at once, kasi puwedeng laruin, alam niya yun?  I don’t expect to become best actress.”

SALAMAT...

Maligayang  Pasko po sa inyong lahat! 

Personal ko pong pinapasalamatan ang aking editor na si Ms. Salve Asis sa pagbibigay sa aking ng bagong pag-asa.  Of course sa walang sawang pagtulong ni Mr. Boy Abunda.  Sa ABS CBN, sa GMA-7, Backroom, Inc., Mr. Jerry Yap, PM, Susan Roces, Shirley Kuan, Angel Locsin, Manny Vallester, Benjie Alipio, Jake Cuenca, Gov. ER Ejercito, at Ricky Reyes.  God bless you all!

                                    

vuukle comment

AKO

ANGEL LOCSIN

AYAW

BENJIE ALIPIO

BOY GOLDEN

BUT GOV

EJERCITO

MELAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with