Pinag-aaral na lang Sen. Jinggoy binawalan na ang anak na mag-showbiz!
MANILA, Philippines - Pinatigil na pala ng ama niyang si Sen. Jinggoy Estrada sa showbiz si Julian Estrada. Ito raw ay para makapag-concentrate siya sa kanyang studies.
Sa kasalukuyan ay 3rd year high school pa lang kasi si Julian kaya naiintindihan din naman namin ang desisyon ng ama niyang patigilin ito sa pag-aartista para unahin ang pag-aaral.
Say ni Julian, gusto raw ng papa niya ay tapusin muna niya ang high school at hindi naman daw niya kinontra or hindi umapela dahil alam niyang tama naman ang desisyon ng ama.
Aminado naman ang bagets na nalungkot din naman siya dahil aniya, sobrang saya raw niya noong nasa showbiz siya kahit sandali lang panahon iyon.
Matatandaang kalo-launch lang ni Julian bilang bahagi ng Star Circle 2013 kasama nina Julia Barretto, Jerome Ponce, Jane Oneiza, Janella Salvador, Kalil Ramos, Liza Soberano, atbp.
Kaya pala hindi na namin siya napapanood, ‘yun pala ay pinatigil na siya sa pag-aartista.
Pero bata pa naman si Julian, only 17 kaya anytime na gusto niyang magbalik-showbiz ay pwedeng-pwede.
Paulo ginawang memorable ang pagpag
First movie ni Paulo Avelino sa Star Cinema ang Pagpag: Siyam na Buhay kaya very memorable raw ang pelikulang ito sa kanya.
“Nakipag-bonding po ako sa cast at crew at madami po akong natutunan mula sa aking mga co-actors at siyempre, mula kay Direk Frasco (Mortiz). Pinaglaanan namin ng hirap, pagod, at oras ang pelikulang ito para makasiguro na ito ay magiging isang di malilimutang pelikula na maaring panoorin kasama ang buong pamilya at mga kaibigan ngayong panahon ng Kapaskuhan,†say ni Paulo.
Bukod sa pagiging horror flick, adventure movie rin ang Pagpag na may halong comedy at romance. Dadaan ang mga karakter ng pelikula sa makatindig-balahibong pagsubok upang matalo ang kasamaan na kanilang pinakawalan sa paglabag nila sa mga Pinoy na paniniwala at kasabihan na kailangang sundin sa pagdalo sa burol.
“Isang roller-coaster ride ang dapat paghandaan ng mga moviegoers. Nasa Pagpag ang lahat ng mga elemento ng isang magandang horror movie. Ipinapakita ng pelikula ang isang klasik ng istorya ng mabuti laban sa masama at napaka-thrilling pong makita kung anong panig ang mananaig sa katapusan ng pelikula,†paliwanag ni Paulo.
- Latest