^

Pang Movies

Goma mas priority ang panghihingi ng dugo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong isang araw, natawag ang aming pansin ng isang post na ginawa ni Richard Gomez sa kanyang social networking account. Isa iyong poster na ginawa niya in coo­peration with Bench na kung saan siya naman ang premiere endorser simula pa noong araw pero ang poster ay hindi para magbenta ng kahit na anong produkto kung ’di manawagan para sa mas marami pang blood donors para sa Philippine Red Cross.

Sinasabi pa sa poster na ang best Christmas gift at ang gift of life kaya mag-donate na raw ng dugo sa Red Cross. Totoo iyon, halos araw-araw makinig ka sa radio at maririnig mo ang napakaraming taong nanga­ngailangan ng dugo para madugtungan pa ang kanilang buhay. Araw-araw sa mga ospital maraming pasyenteng hindi maoperahan dahil wala pang maisasaling dugo sa kanila. Bukod diyan, maraming mga sakit na nangangailangan ng transfusion, kabilang na ang dengue.

Kaya nga talagang kulang na kulang ang dugo na maaaring isalin, at iisa lang naman ang namamahala riyan, ang Blood Bank ng Philippine Red Cross. Sila na lamang ang may ganyan dahil sa maraming anomalyang nangyari noon sa mga pribadong blood bank, kabilang na nga ang kakulangan sa pagsusuri sa mga donors kaya minsan may nakuha pang dugo na positibo sa HIV o AIDS. Dahil diyan nagkaroon na ng batas na nagpapasara sa lahat ng pribadong blood bank at tanging ang Red Cross na lamang ang mayroon.

Ang Red Cross ay umaasa lamang naman sa mga donor. Kaya may mga volunteer naman na kagaya nga ni Goma na hindi lamang nagbibigay ng sarili nilang dugo kundi humihikayat pa sa mas marami na makipagtulungan at magbigay ng kanilang dugo.

Nagustuhan namin ang endorsement na iyon ni Goma.

Matteo pinili ang pamilya sa Pasko

Ang Pasko ay para sa pamilya. Kaya tama rin naman ang aktor na si Matteo Guidicelli na sinamantala ang kanilang Christmas break sa napakaraming trabaho para umuwi sa Cebu at makasama ang kanyang pamilya.

Wala nga siyang ginawang masasabi mong bongga talaga pero talaga namang ang mahalaga ay buo ang pamilya kung Pasko.

‘Yan ang isang magandang example na kaila­ngang sundan ng mga kabataan. Iyong karamihan kasi sa ngayon, makikita mo na watak-watak na ang pamilya.

Pelikulang mapu-pull out sa sinehan inaabangan na

Ang pinag-uusapan namin kahapon pa ay sino kaya ang lalabas na kamote sa takilya sa ginaganap ngayong Metro Manila Film Festival? Tiyak na magiging maingat sila ngayon dahil masyadong napag-usapan ang mga na-pull out na pelikula noong isang taon dahil flop nga. Pero sinasabi naman nila na iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may pelikulang na-pull out sa first day pa lamang ng showing dahil walang nanonood. This time wala naman daw ganoon at sana huwag nang maulit pa.

Wala naman kasing entry ang pull-out queen ngayon eh.

ANG PASKO

ANG RED CROSS

BLOOD BANK

DUGO

KAYA

NAMAN

PHILIPPINE RED CROSS

RED CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with