^

Pang Movies

Ruffa mas gustong magmulta kesa magkansela ng trip sa Amerika

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pagmultahin kaya ng MMDA si Ruffa Gutierrez dahil hindi ito makakadalo sa awards night ng MMFF?

Starring si Ruffa sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy, isa sa walong pelikula na kalahok sa MMFF. Matagal nang nakaplano ang pagpunta ni Ruffa sa Amerika at imposible na i-cancel niya ang kanyang biyahe para lang umapir sa awards night.

Una, mahirap mag-book ng flight dahil puno ng pasahero ang lahat ng eroplano. Pangalawa, masisira ang itinerary ni Ruffa at ng kanyang mga anak na excited nang magbakasyon sa Los Angeles.

Kung kilala natin si Ruffa, pipiliin niya na magmulta kesa i-delay ang pagpunta nila ng kanyang mga anak sa Amerika. Mas malaki ang magagastos niya kung dadalo siya sa awards night ng MMFF.

Fans ni Robin nag-E-expect ng best actor award

Proud na proud si Mariel Rodriguez sa kanyang asawa na si Robin Padilla dahil ito ang nagluto ng kanilang Christmas dinner noong Martes.

Sa sobrang pagmamalaki ni Mariel, kinunan niya ng picture si Robin habang inihahanda ang mga sugpo na iluluto.

Bihirang-bihira na nakikita na nagluluto o naghahanda ng pagkain si Robin. Relaxed na relaxed na ang atmosphere sa bahay nina Mariel at Robin. Hinintay na lang nila ang resulta ng pagbubukas kahapon sa mga sinehan ng 10,000 Hours, ang official entry ni Robin sa 39th Metro Manila Film Festival.

Bukas ang gabi ng parangal ng MMFF. Hoping ang fans ni Ro­bin na ito ang tatanghalin na best actor dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa 10,000 Hours.

Yasmien bakasyon-grande sa Japan

Bakasyon grande sa Japan ang mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla, Jr. Sinamantala ng mag-asawa ang holidays dahil pagkatapos nito, magiging busy na uli si Yasmien sa tapings ng Rhodora X.

Bago sila nagpunta sa Japan, tinapos ni Yasmien ang lahat ng mga eksena niya sa Rhodora X, ang coming soon primetime show ng GMA 7 na magsisimula sa susunod na buwan. Reunion teleserye nina Yasmien at Jennylyn Mercado ang Rhodora X. Parang kailan lang, mga neneng-nene pa ang dalawa nang sumali sa unang season ng Starstruck. Ngayon, pareho na silang mga nanay.

Mayor Alfred namayat na

Hindi na ako nagtaka nang ikuwento sa akin na nangayayat si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Imposibleng hindi pumayat si Papa Alfred sa dami at laki ng problema ng Tacloban City na pilit bumabangon mula sa trahedya na iniwan ng typhoon Yolanda.

Huling nakita si Papa Alfred at ang kanyang misis na si Cristina Gonzales sa backstage ng  Pamaskong Handog ni Willie Revillame sa Tacloban City noong Linggo. Pinuntahan at pinasalamatan nila si Willie dahil sa mga tulong na ipinamahagi nito sa Taclobanons.

Kasama ng mag-asawa ang kanilang pinsan na si Congressman Martin Romualdez, ang unang kinausap ni Willie tungkol sa plano nito na magtanghal ng libre at mamigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

AMERIKA

CONGRESSMAN MARTIN ROMUALDEZ

CRISTINA GONZALES

JENNYLYN MERCADO

PAPA ALFRED

RHODORA X

RUFFA

TACLOBAN CITY

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with