^

Pang Movies

Pelikula ni Yassi sa MMFF pang-indie filmfest lang sana

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ang Viva Artist na si Yassi Pressman ay magiging abala today dahil isa sa entries sa MMFF ay ang pelikula nila ni Sef Cadayona na Kaleidoscope World. Maraming nagtatanong kung ano raw ang said movie dahil ni hindi nagpa-presscon ang producer at director nitong si Eliza Cornejo ng IACT Productions. Thankful si Yassi na binigyan siya ng pocket presscon ng Viva kaya nalaman namin sa kanya na ang Kaleidoscope World ay isang musical-dance movie ins­pired by the songs of the Master Rapper Francis Magalona. Last year pa nila ito ginawa at isasali sana sa isang indie film festival pero kinulang daw sila sa budget kaya hindi nila ito natapos. 

“Nag-try kaming i-submit ito sa MMFF at pinalad naman kaming makasali sa eight official entries,” kuwento ni Yassi. â€œKaya nagkaroon po kami ng six days na reshoot dahil ang ibang nakasali noong una na mga professional dancer ay wala na at nasa abroad na. Pero happy kami na marami pa ring nag-join sa a­ming mga dancer na free for their love of dancing. Kasama namin ni Sef dito sina Mayton Eugenio, daughter ni Tita Geleen Eugenio, and one of the best dancers namin sa GMA Network, Alma Concepcion, Pia Pilapil, The Maneuvers, UP & La Salle dance groups Adlib at The Crew.”

Ang Kaleidoscope World is also a love story daw. Love for the family. At ipakikita ang way of living na nagkakaintindihan sila sa pamama­gitan ng sayaw, na usually hip hop.

“Lalo po kaming na-inspire nang sa isang dance number namin, may shadow na na-form na letter M kaya, sabi namin, guided siguro kami ni Mr. Rapper. Around four to five songs niya ang ipi-perform sa movie,” sabi ni Yassi.

Mamayang hapon, sasakay si Yassi sa float sa Parade of Stars. After that may presscon sila bago ang premiere night nila sa SM Megamall. Kaya walang time si Yassi na malungkot kahit nag-break na sila ni Sef na naging boyfriend niya for se­ven months. Iniyakan daw niya iyon pero alam niyang part of her life na iyon at friends naman sila ni Sef ngayon. 

Next year, magsisimula na siyang maging video jockey sa MTV Pinoy Channel ng Viva Entertainment at makakasama niya sina Sam Pinto, Andre Paras, at Josh Padilla. Sa Jan. 6 ay start na ng taping niya ng new afternoon prime series niya sa GMA 7.

 

Parada ng mga artista sa MOA mag-uumpisa

Mamaya na, at 2:00 p.m., ang start ng Parade of Stars ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa Mall of Asia (MOA) grounds in front of the church. Doon mag-iipun-ipon ang lahat ng floats ng eight official entries ng festival. Ang route ng parada na magmumula sa MOA Seaside Blvd. in Pasay City right to Macapagal Blvd. then lalabas ito ng EDSA to Roxas Blvd. hanggang sa makarating ito sa Quirino Grandstand in Luneta at doon na ito magtatapos. 

Ipinasya ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) na gawin nang Sunday ang Parade of Stars para walang pasok ang  offices at hindi maka­kaapekto ang parada sa traffic.

ALMA CONCEPCION

ANDRE PARAS

ANG KALEIDOSCOPE WORLD

ANG VIVA ARTIST

KALEIDOSCOPE WORLD

PARADE OF STARS

SEF

YASSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with