Bahay ni Bea walang mumurahing gamit
Suwerte si Zanjoe Marudo kay Bea Alonzo at sana walang dahilan para hindi sila magkatuluyan. Ang bait na anak at kapatid ni Bea. At take note, napakasinop na tao niya at halatang may ipon na.
Ang ganda ng bahay niya sa White Plains sa Quezon City. Nakita namin na sa bahay ng magandang aktres ay laganap ang pagmamahalan dahil puro class at mamahalin ang kanyang kasangkapan.
Inaasahang kaartehan ni KC hindi lumutang
Ang saya-saya ni Laguna Gov. ER Ejercito dahil handang-handa na siya sa Metro Manila Film Festival 2013 para sa kanyang film entry na Golden Boy: Shoot to Kill. Katambal niya ang isa sa may magandang mukha in showbiz, si KC Concepcion.
Alam ba ninyo na gulat na gulat si ER sa young actress dahil sa ipinakita niyang acting sa pelikula? At first, akala ng governor-actor at ng kanyang direktor na si Chito Roño ay mahihirapan sila kay KC na baka may mga ipagagawa na hindi susundin o aartehan lang. Isa na rito ’yung kissing scene pero dahil nasa script ay walang kagatul-gatol na ginawa ni KC ang hinihingi sa kanila ng bida.
Ikaw na ang maging best supporting actress ng Star Awards!
Salamat JAM
With the kind permission ng aming editor, gusto kong pasalamatan ang konduktor ng JAM na bus number 1306, si Conrad Maralit. Nawala kasi ang wallet ko na may datung at pati pamasahe ko waley. Natakot ako, paano ako uuwi ng Balibago, Sta. Rosa, Laguna?
Nagpunta ako sa terminal ng bus sa Kamias, Quezon City at nagsabi ako ng problema ko. Iniwan ko kay Mr. Maralit ang suot kong gold watch o ang tsekeng P2,000 na gift sa akin ni Ricky Reyes.
Pero hindi tinanggap ni Mr. Maralit. Ipinakita ko ang press ID ko. Ayaw din. Kahit wala daw ’yun ay tutulungan niya ako. Nagpasalamat ako at inabot na lang ang kopya ng ating diyaryong PM na may column akong lumabas.
Ang bait ninyo JAM. Mabuhay kayo! Merry Christmas!
- Latest