Eric Quizon hindi na nakatiis sa pagiging pakialamero ng bossing ng TV5, nag-resign
Tuluyan na palang nag-resign ang actor/director na si Eric Quizon sa TV5. Wala na siyang ginagawang project, hinihintay na lamang niyang matapos ang contract niya as a director sa TV until February, 2014. Hindi pala sila nagkasundo ng creative (na pumalit daw kay Perci Intalan) at hindi na niya maÂtiis ang laging pakikialam sa pagdidirek niya. Kaya nag-tender na siya ng kanyang resignation at wala na raw siyang balak bumalik pa sa network.
May offers nang dumating kay Eric from GMA Network at ABS-CBN, pero pinag-iisipan pa muna niya kung magdidirek siya ulit o mag-artista na muna.
Marian waging best foreign artist sa Vietnam
Congratulations to GMA Primetime Queen Marian Rivera dahil tinawagan siya at ang kanyang Triple A management ng Today TV VietÂnam para sa kanilang annual Face of the Year Awards on January 8, 2014. Isa raw sa awards to be given ay ang Best Foreign Artist na napanalunan ni Marian sa pamamagitan ng online voting.
Kaya lamang, hindi na puwedeng pumunta muli si Marian sa Vietnam dahil magsisimula na siyang mag-taping bukas (Friday) ng kanyang drama series na Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo). Pero mapapanood pa rin siya sa awards night sa pamamagitan ng Skype para magpasalamat sa mga fans na bumoto sa kanya.
Alden maganda ang billing kahit 5 minutes ang role
Overwhelmed si Alden Richards nang makita niyang nanguna ang name niya sa billing after ng pangalan ni Robin Padilla sa movie nilang 10,000 Hours. Hindi raw kasi siya conscious sa billing, ang mahalaga ang role na kanyang ginagampanan.
Nang makausap namin si Alden after the premiere showing ng movie sa Cinema 1 & 2 ng Greenbelt Cinema, inamin niyang nagdalawang-isip siyang tanggapin ang role bilang young Senator Gabriel Molina Alcazar (RoÂbin). Natakot daw siya na baka hindi siya karapat-dapat sa role. Big challenge raw sa kanya, lalo na nang malaman niyang sina Robin at Direk Joyce Bernal ang pumili sa kanya. Pero matapos niyang mapanood ang movie, manghihinayang daw pala siya kung hindi niya ito tinanggap. Kahit maikli lamang ang appearance niya, five minutes lamang siyang mapapanood, tatatak daw sa manonood kung ano ang character na ginampanan niya sa pelikula.
“Ngayong napanood ko po ang movie, napakatapang pala ng tema nito, at lalo akong nagpapasalamat na ako ang napili nila,. Tinuruan nila akong humawak ng baril, left handed ako pero sinanay akong humawak ng baril sa right hand ko at nag-training din ako ng mga stunts na ginawa ko sa eksena. Sana po ay panoorin nila ang movie dahil isang eye-opener ito sa ating lahat. Salamat din po sa Cinema Evaluation Board (CEB) sa pagbibigay nila ng Grade A sa aming movie.â€
- Latest