Boy Golden ni Gov. ER walang limit ang budget!
Tiniyak ni Director Chito S. Roño na aabot sa deadline of submission of entries sa 2013 Metro Manila Film Festival ang Shoot to Kill: Boy Golden, starring E.R. (Jeorge Estregan) Ejercito and KC Concepcion.
Kilala natin ang premyadong director sa pagiÂging mabusisi at gusto ayos na ayos ang kahit maliit na detalye sa kanyang mga obra. Kahit magbigay pa siya ng dagdag na panahon, sigurado namang maganda at panonoorin ang kanyang mga pelikula.
As an actor’s director, kilala si Roño na binabatak ang limit ng kanyang mga artista, to be able to give their best performance.
Humanga si Direk kay KC Concepcion for being so daring to go beyond her comfort zone. Ayon sa kanya, isang tunay na aktres si KC, na walang image o boundary na iniingatan.
Say nga ng mga katabi kong press, KC is really out from the molde ng kanyang mom, Sharon Cuneta. Her growth from a shampoo commercial to an award-winning actress, is an amazing success story.
Three hours namin kapiling si KC sa presscon ng Boy GolÂden and she gamely answered all types of questions — from the relevant to bizarre!
Pagdating naman ni Laguna Governor E.R. Ejercito, naka-usual uniform na polo barong pa siya kapag nasa Kapitolyo, pagdating sa Zirkoh. No time to change to the boy Golden Boy costume/persona.
Lubos siyang nasiyahan sa pagdidirek ni Chito Roño ng Shoot To Kill: Boy Golden, kaya’t ngayon pa lang nag-iisip na siya ng susunod nilang film collaboration. Tungkol naman sa production cost, halos hindi niya iniintindi, basta’t makapagbigay sa moÂviegoers ng kasiya-siyang pelikula.
Tinitingnan namin ang pictorial nina Gov. E.R. at KC na pareho silang may mga hawak na high powered firearms. SuÂwerte nga sila at sa panahon ngayon nagawa ang Boy Golden. Kundi baka ang kanilang ad layout at iba pang litrato, na-showcard (binura) ang mga baril! Nakaarte silang bumabaril, pero walang makikitang hawak. Nagmukha lang silang mga tanga, during that time na wala sa lugar ang higpit ng MTRCB.
Sa nakikita nating mga armas, ibig sabihin higit na madugo at maaksyon ang Shoot To Kill: Boy Golden. Sana hindi naman maging R-18 o strictly for adults, para higit na malawak ang audience.
Beatles bibigyan ng lifetime achievement award ng grammy
Kahit dalawa na lang ang buhay — sina Paul MacCartney at Ringo Starr, gagawaran pa ng lifetime achievement awards (kasama ang anim pang artists) ng Grammy ang Beatles.
Pitong beses na silang nagwagi ng regular Grammy trophy at first time silang tatanggap ng lifetime achievement award, kasabay ang Isley Brothers at ang record producer na si Kraftwer.
Napakalaki ng ambag at patuloy pang inaambag ng Beatles sa worldwide music industry at hanggang ngayon kinakanta pa ang kanilang mga hits sa mga concert hall, recording studio at maging sa mga paaralan.
KC ayaw masisi sa hindi totoong balita
Si KC Concepcion mismo ang nagsabing walang katotohanan ang tsismis na nagkaroon sila ng kaugnayan ni Phil Younghusband ng Azkals. Nahihiya ang aktres, lalo na kay Angel Locsin, sa maling balita.
‘‘The only time we talked was during an interview, more than a year ago,’’ malinaw na naalala ni KC. Kaya nagulat na lang siya nang biglang lumabas na nagkaroon siya ng relasyon sa athlete/model.
Siyempre ayaw ni KC na siya pa ang sisihing dahilan ng paghihiwalay nila Angel at Phil.
Noli Me Tangere ni Da King Hinihintay ipalabas
Nagkaroon ng isang misa sa Manila North Cemetery tomb ng Da King Fernando Poe, Jr. noong kanyang death anniversary. Nanguna sina Sen. Grace Poe Llamanzares at Susan Roces sa mga dumalo, kasama ang kanilang mga kamag-anak, kaibigan at fans ni FPJ.
Sana ipalabas uli ang hindi natapos na Noli Me Tangere ni Direktor Gerry De Leon, na bida si D King.
- Latest