^

Pang Movies

Blake dinumog!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Inabangan sa Glorietta sa Makati City ang mini-concert ng UK boyband na Blake nung Linggo ng gabi. Nagbilihan ang mga mall goer ng bagong album ng Blake kahit iilan lang kanta at halos cover songs ang nakapaloob. 

Naaliw siguro ang mga Pinoy sa version nila ng Manila kahit medyo baliko ang mga dila ng kumanta. Maagap ang Viva Records dahil nagawa agad nila ang album, nakipag-partner na sa Ayala management, at nakarating na sa Pilipinas ang British group. Ang maalala sa kanila, bukod sa kumalat na live concert video nila ng Manila, ay ang pagkaka-link ng isang miyembro kay KC Concepcion na tumiwalag na ngayon sa grupo nang una silang dumating ng ‘Pinas.

Ang Turkey Man... ni Tuesday lalabas uli sa mga sinehan

Ipapalabas uli ang indie film na Ang Turkey Man ay Pabo Rin na exclusive sa Ayala Cinemas simula ngayong Miyerkules. Nauna na itong ipinalabas sa ilang sinehan nung unang filmfest ng TV5, ang CineFilipino.

Magkakaroon uli ng tsansa ang mga hindi nakapanood at mukhang maganda ang napuwestuhan ng produksiyon dahil tinatao ang mga sinehan ng Ayala malls. Tamang-tama dahil medyo nauumay na ang mga tao ngayon sa The Hobbit: The Desolation of Smaug.

Ang Call Center nga ay nakapuwesto pa rin sa isang sinehan sa Glorietta 4 kahit The Hobbit at Frozen ang mga kasabayan niya. Marami kasing taga-Makati City na nakaka-relate sa buhay ng mga nagko-call center. Tiyak na iwe-welcome rin ang comedy film na solo ni Tuesday Vargas dahil tungkol ito sa pag-aasawa ng isang Pinay sa Amerikano na common na rin sa Pilipinas.

OPM album patok na pangregalo

Mabentang-mabenta ang mga CD album at movie video ngayon lalo na sa VCD ay DVD copy dahil laging may sale. Kung nung unang linggo ng Disyembre ay medyo matumal pa ang bentahan ng mga record store, ngayon ay pila-pila na ang namimili.

Isa kasi ang mga music at film compact disc sa mga gusto nating iregalo kapag Pasko. Nakakatuwa na malakas ang OPM albums kahit compilation na lang ang iba at inulit-ulit na lang ng mga recording company. Meron pang mga balikbayan na maramihan kung mamili. Na-miss yata nila ang mga tunog Pinoy.

At meron ding mga naghahanap ng compilation albums na binuo para sa Yolanda fund-raising. Ang problema, ang sabi ng isang saleslady, paparating pa lang daw. Ha? Ang tagal na nung pumutok ang balita na may binubuong album pero Pasko na sa isang linggo ay wala pa rin pala sa mga tindahan ang finished product.

Baka walang mamili kung tapos na ang Kapaskuhan. Pero kung sabagay ay puwede namang all-year round ‘yung album at lahat ng porsiyento ng kikitain ay dapat makarating sa Kabisayaan. Tuluy-tuloy pa kasi ang rehabilitasyon doon.

*  *  *

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

 

vuukle comment

ANG CALL CENTER

ANG TURKEY MAN

AYALA

AYALA CINEMAS

DESOLATION OF SMAUG

MAKATI CITY

PABO RIN

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with