^

Pang Movies

Melanie Marquez may trauma pa sa aksidente, sasakyan nahulog sa madilim na lugar

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagulat ako nang malaman ko na may asawa na pala si Maxine, ang anak nina Melanie Marquez at Derek Dee.

Napag-uusapan si Maxine dahil siya ang nagbigay ng buong detalye tungkol sa aksidente na nangyari sa kanyang ina noong Dec. 7 sa Arizona, USA. Nalaglag sa 12 feet na bangin ang kotse na minamaneho ni Melanie dahil madulas ang kalsada na puno ng yelo bilang winter season ngayon sa Amerika.

Nagpasalamat si Maxine sa lahat ng mga nagdasal para sa mabilis na paggaling ng kanyang ina at kapatid na si Adam. Nabalian ng buto si Melanie pero lalabas na ito sa ospital at magpapagaling na lang sa kanyang bahay sa Utah.

Amerikano ang asawa ni Maxine na panganay na anak ni Melanie sa ex-husband na si Derek. Parehong babae ang dalawang anak nina Melanie at Derek. Nakatira si Maxine sa Amerika at nag-aaral naman sa Pilipinas ang kanyang younger sister.

US-based na si Melanie at ang kanyang American husband na si Adam Lawyer. Umuuwi siya sa Pilipinas kapag merong mga dapat asikasuhin sa kanilang kabuhayan.

Nakatira ngayon kay Maxine si Adam na himalang nakaligtas sa car accident.  Na-trauma ang mga pasahero ng sasakyan dahil nangyari sa madilim na lugar ang aksidente. Ni hindi alam ni Melanie ang eksaktong lugar at na-trace lamang ng 911 personnel ang kanilang kinaroroonan dahil sa GPS. Mabuti na lang, nagkaroon ng malay si Melanie kaya nakahingi siya ng saklolo kay Maxine or else...

Sinisikap ng Startalk staff na makontak si Melanie at mainterbyu via phone-patch para maikuwento niya ang kanyang traumatic experience. Napakalaki ng dapat na ipagpasalamat ni Melanie sa Diyos.

Justin sanay na sanay na nakahubad

Na-sight ko kahapon ang topless picture ni Justin Bieber habang nakasakay sa private plane ni Willie Revillame nang pumunta siya sa Tacloban City, Leyte noong Martes.

Hindi bago kay Justin ang maghubad dahil mahilig siya na mag-topless itsurang hindi naman hunky ang kanyang katawan.

Nadagdagan na ang mga tattoo ni Justin sa katawan. Hindi na siya ang bagets na wholesome na wholesome noon ang image.

Pero kahit dirty looking si Justin, milyones ang bilang ng kanyang fans sa buong mundo. Dumami ang Pinoy fans ni Justin dahil sa concern na ipinakita niya sa mga nasalanta ni Typhoon Yolanda.

KC nakatapos na rin ng shooting ng Bol Golden

Dumating si KC Concepcion sa presscon ng walong pelikula na kasali sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Hindi na naabutan ni KC ang ibang mga reporter dahil na-late siya nang dating sa venue ng presscon.

Si KC ang leading lady ni Laguna Governor ER Ejercito sa Boy Golden. Nag-enjoy si KC sa shooting ng filmfest movie nila ni ER dahil alagang-alaga siya ng production staff. Happy din si KC dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang award-winning director na si Chito Rono.

Nag-last shooting day na si KC sa pelikula kahapon kaya tiyak na ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa Pasko.

vuukle comment

ADAM LAWYER

AMERIKA

BOL GOLDEN

BOY GOLDEN

DAHIL

JUSTIN

KANYANG

MAXINE

MELANIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with