^

Pang Movies

Reunion nina Aga at Lea, wala nang urungan!

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng 18 years ay muling magtatambal sina Lea Salonga at Aga Muhlach sa isang pelikula. Ito ay nai-announce mismo ni Aga sa concert na Lea Salonga: Playlist noong nakaraang Linggo.

Noong 1995 pa huling nagtambal ang da­lawa sa pelikulang Sana Maulit Muli na produced ng Star Cinema. Ngayon ay may istorya na ang reunion film nila at uupuan na lang kapag pareho nang may time ang dalawa.

Si Aga kasi ay busy sa kanyang dalawang shows sa TV5 na Let’s Ask Pilipinas at Pinoy Explorer. Si Lea naman ay labas-masok ng bansa dahil sa mga show niya abroad.

Kung matutuloy ang pelikula nila, ito ang magiging third movie nila together. Una silang nagsama sa pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal ng OctoArts Films in 1992.

“I spoke with Malou Santos of Star Cinema and the director of Kailangan Kita and Dubai (Rory B. Quintos) and they told me may istorya na,” say pa ni Aga sa magiging reunion nila.

Matagal na ring gustong makasama ulit ni Lea ang aktor at iyon nga ang magiging rason niya para bumalik sa paggawa ng pelikula. Mas naging abala si Lea sa paglabas sa theatre musicals tulad ng Miss Saigon, Les Miserables, The Flower Drum Song, Into The Woods, Cinderella, Cats, at marami pang iba.

Jessica magko-concert sa New Year’s Eve bilang tulong sa ‘Pinas

Natapos na ang 11-day charity mission sa ating bansa ng Fil-Mexican-American na si Jessica Sanchez. Nagsimula siya noong Nov. 30 at tinapos niya ang lahat sa pagpo-promote ng kanyang latest single na Lead Me Home.

Nangako si Jessica na babalik siya sa bansa sa pagpasok ng New Year. Magkakaroon siya ng New Year’s Eve show sa Eastwood City sa Libis, Quezon City.                                                                                           

AGA MUHLACH

ASK PILIPINAS

BAKIT LABIS KITANG MAHAL

DRUM SONG

EASTWOOD CITY

INTO THE WOODS

LEA SALONGA

NEW YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with