^

Pang Movies

Carmela final na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

A very simple, intimate Christmas lunch with the entertainment press ang ibinigay ni GMA Primetime Queen Marian Rivera para ianunsiyo ang kanyang proyekto sa mga ma­ngingisdang nawalan ng pang-hanapbuhay sa Northern Cebu nang manalasa roon ang bagyong Yolanda. Sa tulong ni Oliver Amoroso, assistant vice president of regional TV department ng GMA at Ms. Merle Tan, naisip nilang sa ngayon, tumatanggap pa ng relief goods ang mga tao roon pero paano kapag wala na ang relief goods? Kaya naisip nilang pangkabuhayan ang ibigay sa kanila. Hindi raw nila matanggap na nakikitang nag-aaway ang mga tao sa relief goods dahil wala silang hanapbuhay.

Nag-survey sila sa mga pamilyang may lima hanggang sampung anak at iyon ang bibigyan nila ng bangka. Na-survey na rin nila na aabot sa                        P20-P30,000 ang presyo ng bawat bangka pero tatagal daw naman ito ng 10-15 years kaya puwede pang ipamana sa mga anak ng mangingisda ang bangka na motorized. Hindi pa inilalagay ni Marian sa Instagram ang paghingi niya ng donasyon, pero sa ngayon, may sampung bangka nang donasyon sa kanila. Si­gurado raw makararating ang donasyon na iyon dahil ang Kapuso Foundation ang tatanggap nito at mag-iisyu ng official receipt sa kanila.

May mahigit isang libo ang ipagagawa nilang bangka at kung magiging successful ang project nila, dadalhin din nila ito sa ibang lugar sa Samar at Leyte. Siya raw ang personal na magdadala nito sa Northern Cebu na aabot ng ilang oras ang biyahe by land from the airport papunta roon. Magkakaroon din sila ng updates kung ano ang nangyari sa kanilang proyekto at iuulat nila ito sa mga nag-donate ng mga bangka.

Ina-announce na rin ni Marian na Carmela na ang sinisimulan niyang drama series sa GMA 7 na makakatambal niya sina Alden Richards at Raymond Bagatsing. Siya raw ang nakaisip ng name na Carmela kaysa dating title na Cata­rina dahil bukod sa ibig sabihin nito na pinakamagandang sanggol in Spanish-Italian, mas sweet daw tawagin ang Carmela kaysa Catarina. 

Good naman na approved ito ng GMA, ni scriptwriter Suzette Doctolero, Direk Dominic Zapata, at ng production staff. This week, magsisimula na silang mag-taping dahil sa Jan. 6 na ang pilot telecast nila. 

Hindi pa masyadong idinetalye ni Marian ang story ng Carmela pero iikot ito sa pagmamahal ng anak sa ina (to be played by Agot Isidro) at matinding drama ang gagawin niya rito.

Aga gagawan ng virtual reunion ang mga OFW

Simula na mamayang 7:00 p.m. ang Twelve Days of Christmas special ng Let’s Ask Pilipinas hosted by Aga Muhlach for TV5. Feature sa show ang virtual reunion ng mga hardworking Overseas Filipino Workers (OFW) with their families dito na matagal nang gusto silang makapiling.

Contestants ang OFWs mula sa iba’t ibang parte ng mundo like United Arab Emirates, Saudi Arabia, Singapore, at United Kingdom. On Aga’s part, ipami­migay naman niya sa studio audience ang 12 of his favorite things.

 

 

AGA MUHLACH

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

ASK PILIPINAS

CARMELA

DIREK DOMINIC ZAPATA

NORTHERN CEBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with