^

Pang Movies

Heart sinundan ang yapak ni Marian!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagpaseksi si Heart Evangelista sa calendar ng Tanduay dahil siya ang bagong celebrity endor­ser ng  nasabing alak.

Pareho nang mga endorser ng men’s drink sina Heart at Marian Rivera. Hindi ko pa nakikita ang sexy calendars ni Heart dahil ngayon pa lamang ang press launch.

Kasing-seksi kaya ng mga kalendaryo ni Ma­rian ang 2014 calendars ni Heart?

Jinggoy susubukang ayusin sina Miriam at Enrile!

Sinagot ni Senator Juan Ponce Enrile ang ilan sa mga bintang sa kanya ni Senator Miriam Defensor-Santiago pero hindi na nito narinig dahil nakaalis na siya sa senado.

Sa paratang na babaero siya, sumagot si Papa Johnny ng “(Si Santiago) ang nagsabi na ako ay may asim. Kung may napilantikan sa aking asim, siguro dahil meron pa akong magandang tindig.”

Parehong malapit kina Papa Johnny at Mama Miriam si Senator Jinggoy na nag-promise na gagawin ang lahat para magkasundo na ang mga nagbabangayan na senador.

Mga artista dadagsa sa Batangas

Si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang punong-abala sa 432nd Founding Anniversary ng kanyang pinakamamahal na lalawigan. Ginagawa ni Mama Vi ang lahat para maging makabuluhan ang anniversary celebration, alang-alang sa kanyang constituents na satisfied na satisfied sa leadership niya at pamamalakad sa Batangas.

Pinaunlakan ng mga bigating artista at singers ang im­­bitas­yon ni Mama Vi para maging bahagi ng grand finals ng Voices, Songs, & Rhythms (VSR) na isa sa ina­­­­abangan na palabas at magaganap ang showdown  ng  magagaling na mang-aawit na Batanguenyo ngayong Disyembre 7, Sabado, sa Batangas City Sports Coliseum.

This year, magsisilbing hosts ng programa si Gabby Concepcion at sasamahan siya ng The Singing Bee hosts na sina Roderick Paulate, at Amy Perez.

Kikilatis  sa galing ng mga contestant ang  mga judge na pinamumunuan ni Jose Mari Chan bilang Honorary Chairman at makakasama niya sina Marian Rivera, El­mo Magalona, Yayo Aguila, Jed Madela, Pomoy, at finalists ng Voice Philippines.

Bukod sa mga nabanggit na artista at singers, marami  ang handog na sorpresa sa huling gabi ng labanan na taun-taon na  dinadagsa  dahil sa husay ng mga contestant.

Nag-umpisa  ang isang linggong selebrasyon noong Dis­yembre 1, ang Mutya ng Batangas search, Parol lighting, trade and photo exhibit, etc.

Sa December 8 ang huling araw ng anniversary ce­le­b­­­ration at isang misa ang idaraos para sa pista ng Imma­culate Conception. Tuluy-tuloy ang kasiyahan sa Batangas province dahil sa dance festival, parada ng mga float at food fest.

Iya at Drew ikakasal na rin

Sina Iya Villania at Drew Arellano pala ang buwena mano sa mga magpapakasal sa 2014 dahil nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib sa January.

Maraming taon na ang ibinibilang ng relasyon ng dalawa. It’s about time na lumagay na sila sa tahimik, lalupa’t siguradung-sigurado na sila sa isa’t isa.

Nabanggit ko na sa kolum ko na marami ang mga showbiz personali­ty na magpapakasal sa 2014 gaya nina Karylle at Yael Yuzon, Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo.

Ewan ko lang kung magpapalit ng screen name si Mama Boots dahil magiging Rodrigo na ang kanyang apelyido. Nasanay na ang mga tao na tinatawag siya na Boots Anson Roa na mas madaling sabihin kesa Boots Anson Rodrigo.

Puwede rin na Boots Anson-R na lang ang gamitin ni Mama Boots para  hindi na ma-confuse ang public.

BATANGAS

DAHIL

MAMA BOOTS

MAMA VI

MARIAN RIVERA

PAPA JOHNNY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with