Jolens nasasarapan na sa pagbubuntis kahit dinugo sa umpisa
Nasa ikapitong buwan na ang ipinagbubuntis ni Jolina Magdangal-Escueta at mukhang masayang-masaya ito at hindi nahihirapan sa kanyang pagdadalantao.
Ang expected due date ng panganay nila ni Mark Escueta ay Feb. 20. Isang baby boy ang anak nila.
Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Jolina na magiging isang mother na siya. Noon ay iniisip lang niya kung ano ang pakiramdam ng isang buntis. Ngayon ay danas na danas na niya.
“Akala ko noong una hindi ko kakayanin. Akala ko mahihirapan ako sa pag-conceive and eventually sa paglaki ng tiyan.
“Pero heto at seven months na akong buntis, hindi ako nakararanas ng anumang hirap. Parang ang sarap palang magbuntis! Hahaha!†sabay tawa pa ni Jolens nang makatsika namin siya sa Christmas party ng PPL sa Casa Filipino.
Pero inamin ni Jolens na sa first trimester ng kanyang pagbubuntis ay kinailangan niyang mag-bed rest dahil nag-spotting daw siya.
“In-advise naman ako ng doctor ko na magpahinga for one month until kumapit ng husto ’yung baby.
“Hindi ako puwedeng tumayo that time except magbanyo. Bored na bored ako noong mga panahon na iyon kasi wala akong choice. Kailangang alagaan nang husto si baby.
“Pero noong umokey na, naging maingat pa rin ako. Kaya nakiusap ako na kung puwede wala munang teleserye at Sunday All Stars na lang. Pero kahit na rin dun, hindi rin ako masÂyadong lumalabas kasi mas gusto kong relaxed lang ako at hindi ako nai-stress,†diin niya.
Bawal na ring magbiyahe si Jolens dahil sa kanyang kalagayan.
Pagkakabangga ng kotse ni Paul Walker pinaiimbestigahan
Pinaiimbestigahan ang posibilidad na baka nasa kalagitnaan ng isang high-speed street race with another car si Paul Walker at ang kanyang kaibigan kaya sila naaksidente noong nakaraang November 30.
Ayon sa TMZ, ang kaibigan ni Walker na driver ng Porsche na si Roger Rodas ay nakikipagkarerahan in high speed kaya matindi ang naging impact nito na siyang ikinasawi niya at ng Hollywood actor.
Ang naturang area raw ay may long history na ang being a “popular street racing location,†ayon pa sa reports.
Ngayon ay hinahanap ng authorities ang anumang video or any witnesses na makakapagsabi ng tunay na pangyayari sa aksidente.
Pero may mga nagsabi naman na mechanical failure naman ang naging dahilan kung bakit nabangga at sumabog agad ang Porsche na sinasakyan ni Walker at ng kanyang kaibigan.
Isang possible na steering fluid leak daw ang dahilan ayon sa sources ng isang auto shop na mine-maintain at ginagarahe ang Porsche.
Ayon sa sources ng auto shop na Always Evolving na pag-aari rin ni Walker at ng nasawi niyang kaibigang na si Rodas, they saw evidence of fluid burst kaya merong fluid trail bago nagkaroon ng skid marks sa mismong accident scene.
Dagdag pa ng source, napansin niya ang absence ng skid marks bago ang point of impact na siyang kinamatay ng dalawang sakay ng Porsche.
“They say if Roger had lost control the skid marks would show swerving, but instead the marks were in a straight line. This proves that the driver didn’t have steering control,†diin pa ng source ng TMZ.
Suspicious din ang mabilis na pagkalat ng apoy sa harapan ng kotse.
“Flames would be expected in the rear where the engine is ... but fire in the front reinforces their theory of a fluid leak of some sort,†dagdag pa ng source.
- Latest