Gary V., Ruffa, Jericho nakikiluksa sa pagpanaw ng Fast & Furious star
MANILA, Philippines - Nagluluksa rin ang ilang local celebrities gaya nina Gary Valenciano, Ruffa Gutierrez, Jericho Rosales, at Sarah Lahbati sa balitang kumalat na namatay sa car accident ang Hollywood actor at nagbida sa movie series ng Fast & Furious. Eh kadadalo lang ni Walker sa isang charity event na ini-organize ng kanyang Reach Out Worldwide organization para sa mga biktima ng bagyong Haiyan/Yolanda nang sumabog ang balita.
Ayon sa report sa website ng TMZ, dumalo sa chaÂrity event si Paul at sumakay sa bagong Porsche GT para sa test spin. Sa test spin naganap ang aksidente na nawalan ng control at bumangga ang sasakyan sa isang puno, dagdag pa sa report.
Bago nga ang aksidente, isang fan niya ang nagpakuha ng picture na kasama ang aktor. Naka-post sa website ng TMZ ang nasabing picture kung saan nagpahayag ng lungkot ang fan.
“The world lost and angel in Paul…,†ayon sa mensahe ng fan. Ipagpapatuloy daw ng fan ang advocacy ni Walker na pagtulong sa mga “disadvantaged kid and people who are in need.â€
Naganap ang aksidente sa Sta. Clarita sa Southern California, USA nung Sabado ng hapon.
Ellen ayaw ipagkalat ang paglabas sa Kapamilya shows
Madalas magpakikita si Ellen Adarna sa mga show ng Channel 2. Nagtataka tuloy ang ilang press kung lumipat na ba siya sa nasabing network dahil discovery siya ng Kapuso Network. Sabay-sabay pa nga silang ipinakilala sa press nina Gwen Zamora at DJ Andi Manzano.
Naging mainstay din si Ellen sa Bubble Gang kasama sina Gwen, Jackie Rice, at Sam Pinto para magdagdag ng kaseksihan sa gag show. Pero ngayon ay hindi na siya napapanood sa programa.
Kaya naman nang malaman ng press na nasa cast siya ng horror movie na Basement ng GMA Films, naging interesado ang press na tanungin ang side niya kung lumipat na siya sa Dos. ‘Yun nga lang, agad nagpasabi si Ellen na puwede siyang ma-interview pero huwag tatanungin tungkol sa shows na inapiran niya sa Dos.
Gano’n? Hindi na lang siya kinausap ng press.
- Latest