Ryzza Mae mabubundat na sa noche buena, tanggal na ang pansit at pandesal!
MANILA, Philippines - Mabubundat na sa masasarap na handa sa noche buena si Ryzza Mae Dizon at ang pamilya niya ngayong Pasko.
Noon kasing hindi pa nananalo sa Little Miss Philippines si Ryzza, G na G (gipit na gipit) talaga sila kaya pansit at pandesal ang handa nila tuwing Pasko. Eh nung manalo at nadiskubre ang kabibuhan, tatlo na ngayon ang shows at may festival entry pang My Little Bossings, huh!
Kaya naman nakaka-LL (nakakaluwag-luwag) na ngayon si Ryzza Mae. Anumang pagkain ang hilingin niya ngayong Pasko ay hindi na puwedeng maipagkait sa kanya. Kaya pati kamag-anak at kaibigan sa Pampanga, puwede nang bigyan ng pamasko ng AÂling Maliit!
Commissioner Kim nakapagbigay ng warning sa mga nagbubuyangyang ng ari-arian
Magsilbing aral nawa sa celebrities at non-celebrities ang pahayag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na ibinubuyangyang ang luho at yaman sa media, television, pati na sa social media. Kumbaga, maging humble sa anumang yaman sa buhay lalo na kung hindi kayo abiding taxpayer!
Ayos lang naman ’yung ipakita ang mga naipundar na sasakÂyan, bahay, at mamahaling gamit kung matinong nagbabayad ng tax ang isang tao. Eh kung hindi, keep quiet dahil sa panahon ngaÂyon na meron ng Facebook, Twitter, Instagram, Internet, at blog sites, madaling malaman ng BIR ang itinatagong yaman ng isang tao.
May kilala nga kaming ilang celebrities na kahit anong pilit ng ilang TV shows at magazines na kuhanan ang bahay ay ayaw nilang idispley ito dahil takot sila sa BIR.
At kung may makitang tax deficiency ang BIR, puwede namang ma-compromise ang taxes na dapat bayaran eh. Ang ayaw lang ng batas ay ’yung nag-i-evade sa pagbabayad ng buwis.
Tandaan natin na mula pagkapanganak hanggang sa mamatay ang isang tao, hindi nawawala ang buwis na dapat bayaran sa gobÂyerno.
- Latest