^

Pang Movies

Produ nakakita nang liwanag bago nagdesisyong isapelikula ang buhay ni Santo Calungsod

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hindi man mamayagpag sa box office ang pelikulang Pedro Calungsod, Batang Martir na entry ng HPI Synergy Group sa pakikipagtulungan sa Wings Entertainment ay may mga naniniwala na hahakot din ito ng awards, lalo na sa pagkakaroon ng positive cultural value award.

Batay sa trailer ng pelikula ay maganda ang pagkakagawa nito. Si Pedro Calungsod ang ikalawang Filipino saint.

Ayon sa director na si Francis Villacorte, okay lang na hindi gaanong kumita ang pelikula sa Metro Manila Film Festival.

‘‘Ang mahalaga sa amin ay maiparating sa mga manonood ang kabanalan at kadakilaan ni Pedro Calungsod na isa rin siyang ordinaryong tao bilang batang katekista at mission assistant na inilalarawan ang dedikasyon sa trabaho at debosyon sa Panginoon,’’ aniya.

Ano naman ang ginawa ng bidang si Rocco Nacino para mapaghandaan ang karakter ni Pedro Calungsod?

Anang Rocco, ‘‘Kinakausap ko si Lord tuwing shooting para i-guide niya ako at nagpapasalamat na nailarawan ko naman ang buhay niya.’’

Sa kabilang banda, nang ialok ang proyekto ni Direk Francis noong una, ay atubili ang isang produ at ilang gabi ring hindi pinatulog kung tatanggapin ang proyekto.

‘‘I tried to reflect at pakiramdam ko ay nakakakita ako ng liwanag kaya sa kalaunan ay tinanggap ko ang Pedro Calungsod nang buo ang loob para ipasok ito sa Metro Manila Film Festival dahil sa divine intervention,’’ aniya.

Thea pinagkakaguluhan na sa mall

Masaya at malungkot si Thea Tolentino dahil naging markado ang role na ginampanan nito sa Pyra: Babaeng Apoy at naging maganda ang rating ng teleserye.

Naging makabuluhan sa kanya ang karakter na ginampanan dahil nakilala siya ng mga tao. Kapag nagpupunta siya sa mall ay marami nang nagpapakuha ng picture at nagpapa-sign ng autograph. Higit sa lahat ay tinatawag siyang Pyra ng mga tao.

Nalulungkot ang aktres dahil magkakahiwalay na sila ng mga kasamahang artista dahil nagkaroon sila ng bonding.

ANANG ROCCO

BABAENG APOY

BATANG MARTIR

DIREK FRANCIS

FRANCIS VILLACORTE

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PEDRO CALUNGSOD

PYRA

ROCCO NACINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with