^

Pang Movies

Actress-singer na hiwalay sa asawa, tuyot ang hitsura

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Magbarkada pala ang dalawang magaling na aktres na higit trenta anyos na. Ang isa ay hiwalay na sa asawang mas bata at hindi pinalad magka-anak. Ang isa ay single talaga pero may anak na at nagkaroon na ng maraming relasyon.

Kumain daw sila sa isang restobar, tsika ng isang waitress doon, kasama ang isang kaibigang lalaki. Puna lang ng waitress, ang payat daw pala sa personal ng aktres na single mom. At ang isang aktres na singer na walang anak ang binigyan niya ng nakakagulat na deskripsiyon.

“Parang natuyot na siya,” sabi ng waitress. “Ba’t ganun?”

Aba, ma at pa. Mukha namang maalaga sa katawan ’yung aktres na nakakakanta kaya medyo nakaka-shock ngang malaman na natutuyot na siya sa paningin ng iba. 

Ending ng Catching... bitin!

Hindi nabigo ang mga nag-abang sa The Hunger Games sequel na Cat­ching Fire pero nakakabitin ang ending. Sa isang banda, may aabangan uli ang milyun-milyong tagahanga sa buong mundo ng sinulat ni Suzanne Collins kapag isinapelikula uli ang pangatlo.

Sa sequel ipinakita ang pag-asa ng mga tao sa bawat distrito lalo na sa pinanggalingan nina Katniss Everdeen (Jennifer Lawrence) at Peeta Mellark (Josh Hutcherson), ang District 12, dahil namumuo na ang rebelyon. At iyon ang ipinagngingitngit ng pangulong si Snow (Donald Sutherland).

May gigil factor uli sa bagong adventure ng dalawang kaawa-awang bida dahil pinahirapan uli sila ni President Snow kahit sila na ang winners sa 74th Hunger Games. May twist sa muli nilang pagsabak sa ika-75 na laro ng patayan pero ’yun nga, bitin.

Ang lakas sa mga kabataan ng dating ng kuwento ng kabayanihan at nang hindi pagiging makasarili ni Katniss dahil barka-barkada kung sumugod sa mga sinehan para manood.

Maganda na ang mga pelikulang pumasok ngayong linggo kumpara nung isang linggo na na­mayani ang Catching Fire at wala ng mapagpilian.

Nakikihati sa kita sa takilya ang dalawang Pinoy films, ang comedy-drama na Call Center Girl at ang sexy drama na When the Love is Gone.

Kahit paano ay marami-raming tao naman ang pumasok sa sinehan sa pinagbibidahan ni Pokwang na tungkol sa buhay-call center. Tuwang-tuwa rin ang mga nanonood sa kanya dahil malalakas ang tawanan. Ibig sabihin ay tanggap ang pagpapatawa niya at maganda ang inilagay na punchlines ng scriptwriter na si Kriz Garmen at maayos tumakbo ang buong pelikula sa ilalim ng direksiyon ni Don Cuaresma.

Parang sa umpisa ay mahirap ma-imagine na magbi-blend sa big screen sina Jessy Mendiola na gumaganap na bunsong anak ni Terry (Pokwang) at Enchong Dee na napagkamalang lover boy ng komedyana sa kuwento. Kahit nga si Ejay Falcon ay nakakagulat ­na rin, mamang-mama na!

Hindi na kailangang ikuwento ang mga pangyayari sa Call Center Girl pero sapat nang sabihin na kung gusto ninyong maging magaan naman ang pakiramdam kahit paano pagkatapos ng mga nagdaang araw dahil sa bagyong Yolanda ay sumige na sa panonood ng ikalawang malaking pelikula ni Pokwang.

Oo, kaya rin niyang mag-drama tulad sa A Mother’s Story pero talagang pang-comedy ang gift ni Pokey. Sana hanapan pa ng magagandang istorya ang komedyanteng Lucy Liu ng Pilipinas at nang magsunud-sunod na ang pelikula niya.

May ipare-rebyu?

E-mail: [email protected]

 

 

A MOTHER

CALL CENTER GIRL

CATCHING FIRE

DON CUARESMA

DONALD SUTHERLAND

EJAY FALCON

HUNGER GAMES

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with