Mga hurado sa Sing N Joy, batikan na
MANILA, Philippines - Pangungunahan nina Kirby Shaw ng Amerika at Jonathan Velasco ng Pilipinas ang hanay ng mga batikang hurado na inimbitahan ng Interkultur Germany para sa Sing N Joy Manila 2013, ang international choral competition na gaganapin sa Aliw and Star Theaters mula ika-11 hanggang ika-14 ng Disyembre sa pakikipagtulungan nito sa Manila Broadcasting Company at Philippine Choral Directors Association. Kasama nila sina Chau Anh Dang ng Vietnam, Tommyanto Kandisaputra ng Indonesia, Ko Moe Naing ng Myanmar, at Beverly Shangkuan-Cheng ng Pilipinas.
Magbibigay din ng workshops sina Shaw at Velasco sa umaga ng Disyembre 12-13 at ang mga interesadong sumali ay maaari nang magpa-rehistro sa www.interkultur.com.
Nagtapos si Kirby ng Music Education at Choral Composition sa San Jose State University, at mayroon din siyang DMA degree sa Choral Conducting mula sa University of Washington. Malaki ang naiambag niya sa choral music education hindi lamang sa Amerika kundi maging sa Canada, Australia, Bahamas, Sweden, Netherlands, Italy, Switzerland, Spain, at Germany. Isang composer/arranger na may 3000 choral compositions/arrangements na nilimbag na, ang musika ni Shaw ay inaawit sa buong mundo, at bumenta na ng mahigit 20 milyong kopya. Miyembro rin siya ng Just-for-Kicks, isang four-man a capella ensemble na espesyalista sa jazz, at nakapag-one-on-one na siya kina Bobby McFerrin, Al Jarreau, John Hendricks, Mark Murphy, at Chris Calloway.
Si Jonathan naman ay pangulo ng Philippine Choral Directors Association at Advisor sa Board of the International Federation for Choral Music. Siya rin ang kumakatawan sa Pilipinas sa World Choir Council, at miyembro ng Artistic Committee ng Polyfollia Festival sa Normandy, France. Naging assistant choirmaster siya ng University of the Philippines Madrigal Singers sa ilalim ni Prof. Andrea Veneracion, national artist. Nagtapos siya “with distinction†ng Choral Conducting sa Berliner Kirchenmusikschule. Siya ang kauna-unahang Asian principal conductor ng World Youth Choir at naging hurado sa 2002, 2004, at 2006 Choir Olympics sa Busan, Bremen, at Xiamen. Sa kasalukuyan, hawak niya ang Ateneo Chamber Singers, National Power Corporation Chorale, Globalink Holdings Corporation Chorale, the Miriam College Glee Club, at ang Chamber Choir of Asia.
May 45 choirs mula sa iba’t ibang lugar ng ASEAN ang maglalaban sa mixed chorus, musica sacra, folkloric, pop-jazz, gospel-spiritual, at youth categories ng Sing N Joy Manila ang makakakuha rin ng international ratings ang mga kasali.
$5,000 ang nakalaan sa magwawagi ng Grand Prix, bukod sa mga gold, silver, at bronze certificate na ipamamahagi sa bawat kategorya.
Ang Sing N Joy Manila 2013 ay handog din ng Star City at Globe TeleÂcom, sa pakikipagtulungan ng Alaska, 7-11, Alpen Libe, M. Lhuillier, Coca Cola, at ng Department of Tourism.
Para sa karagdagang detalye, maaaÂring mag-e-mail sa [email protected] o kontakin ang numerong 0932-2875550.
- Latest
- Trending