^

Pang Movies

Ryzza Mae biglang nag-iba ang dialogue sa tinitirhang condo!

STARTALK - Lolit Solis - The Philippine Star

Nagkita kami ni Ryzza Mae Dizon sa presscon ng My Little Bossings at iba na ang kanyang dialogue ha? Nang tanungin si Ryzza Mae ng mga reporter kung saan siya nakatira, “Sa condo unit ni Mother Lily Monteverde,” ang kanyang buong ningning na sagot!

Naitsapuwera na ako as in dati-rati, ako ang sinasabi niya na ow­ner ng condo unit na tinitirhan nila ng kanyang madir. At nang sabihin ko na five months na akong hindi naniningil sa kanila ng renta, sumagot ang Aling Maliit ng “Kausapin n’yo na lang po ang manager ko!”

O, ’di ba, marunong na talagang sumagot si Ryzza Mae? In fairness to me, pabiro naman ang mga tanong ko sa kanya dahil hindi ko pinangarap na ma-trauma siya sa akin.

 

Vic dineklarang no. 1 na ang pelikula nila,Kris aminadong kung siya ang nagsabi may kasamang yabang na

Takang-taka si Kris Aquino dahil walang violent reaction ang mga reporter nang sabihin ni Vic Sotto na naniniwala ito na magi­ging No. 1 sa takilya ang My Little Bossings.

Ang say ni Kris, kung siya ang nagsabi na magiging numero uno sa box office ang kanilang pelikula, siguradong mayabang ang kanyang da­ting pero nang si Bossing ang magsabi ay tanggap ito ng press.

Kailangan pa ba na itanong ’yan? Isa lang ang masasabi ko, Vic Sotto is Vic Sotto and Kris Aquino is Kris Aquino!

Very humble at walang kayabang-yabang sa katawan si Bossing. Ni minsan, hindi siya nakaka-offend ng tao, kesehodang pabiro ang kanyang mga sagot lalo na kung tungkol sa love life niya ang topic.

 

Jessica Soho napasayaw ng Look Up!

Medyo na-delay ang presscon ng My Little Bossings noong Miyerkules dahil hinintay pa ang pagda­ting ni Bimby Yap, Jr. na nanggaling pa sa school.

Tinapos muna nina Bimby at Ryzza Mae ang pagpapainterbyu kay Jessica Soho bago sinimulan ang presscon.

Mula sa puwesto ko, nakita ko ang pagsasayaw ng tatlo ng Look Up! Watch ninyo ang coming episodes ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA 7 para makita ninyo kung pa

ano sumayaw ng Look Up! si Mama Jessica.

Rodjun ibinuking na isang taong magdyowa sina Sarah at Rayver sa Skype!

Mas naguguwapuhan ako kay Rodjun Cruz kesa sa kanyang younger brother na si Rayver Cruz.

Para sa akin, mas malakas ang karisma ni Rodjun na kasali na sa cast ng Akin Pa Rin ang Bukas. Hindi nagkamali ang GMA 7 na idagdag si Rodjun sa cast ng primetime drama series ni Lovi Poe dahil pinatunayan na niya ang acting ability sa kanyang remarkable role sa My Husband’s Lover.

Happy si Rodjun dahil sa magagandang roles na ibi­nibigay sa kanya ng Kapuso Network. Nag-promise ang bagets na lalong pagbubutihin ang kanyang pag-arte.

Twenty six years old pa lang si Rodjun at walang naniniwala na 15 years na siya sa showbiz. Kasi naman, eleven years old pa lang siya ay umaarte na at nagsimula ang showbiz career bilang child star. Halos sabay na nag-umpisa ang showbiz career nila ni Rayver.

Siyempre, tinanong ko si Rodjun tungkol sa na­ud­lot na relasyon noon nina Rayver at Sarah Geronimo.

Inamin ni Rodjun na tumagal ng isang taon ang re­lasyon nina Sarah at Rayver pero sa Skype lamang nag-uusap ang dalawa dahil mahigpit nga si Divine Geronimo sa kanyang anak.

Single na uli si Rayver at walang boyfriend si Sarah. May mga nagsasabi na baka puwedeng ligawan uli ni Rayver si Sarah dahil mas mature na sila ngayon. Puwedeng-puwede naman pero depende pa rin kay Divine ang lahat.

                                           

vuukle comment

JESSICA SOHO

KANYANG

LOOK UP

MY LITTLE BOSSINGS

RAYVER

RODJUN

RYZZA MAE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with