^

Pang Movies

Pokwang gusto pa ring pakasal!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Kahit ang advice kay Pokwang ng kanyang best friend na si Chocoleit ay huwag na siyang iibig at baka nga raw ang habol lang sa kanya ng lalaki ay ang kanyang money, still Pokwang said she wants to take a chance at falling in love, and yes, for the third time.

Dahil umibig at ikinasal na siya ng dalawang ulit sa lalaking parehong Japanese ang nationality. The first one, ‘yong naging father ng kanyang anak na lalaki na maagang namatay at yung pangalawa, father naman ng kanyang nag-iisang daughter na si Mae, na dalagita at college student na ngayon.

Kumukuha si Mae ng degree in culinary arts sa Enderun College sa The Fort. Pangarap nitong magkaroon ng sariling restaurant pagdating ng araw.

Sa kabilang banda, bagama’t may ilan daw ‘nagpaparamdam’ kay Pokwang, mas prefer niya yata ang foreigner. ‘Di nga ba napabalitang muntik nang mabihag ang kanyang puso ng isang Italyano?

Pumunta pa nga rito ang binata. Yes, single ang lalaki. But for what reason, hindi nag-prosper ang sana’y posibleng pagkakaroon nila ng happy ending.

Pero, ‘di raw nawawalan ng pag-asa si Pokwang. Lalo na at willing si Mae na mag-asawa siyang muli.

For both of them, ang kaligahayan ng isa’t isa ang mahalaga.

Kung karir lang din ang pag-uusapan, sang-ayon kaming walang dapat i-complain si Pokwang. Bukod sa may ginagawa siyang soon-to-be released series, ang Mira Bella, which will serve as Julia Barreto’s official launch to stardom, heto at opening in theaters nation­wide nga­yon ang pe­likulang Call Center Girl, kung saan si Pokwang ang gaganap na bida. Walang dudang hahangaan si Pokwang, as the film is a come­dy na kanyang forte, and with a tinge of drama.

Pokwang displayed her intensity as an actress in her scenes with Jessy Mendiola, who plays her daughter na nagkikimkim ng hinanakit sa kanya, dahil sa pag-aakala nitong ‘di siya mahal ng ina nang umalis ito noong bata pa siya para magtrabaho abroad.

Kasama ni Pokwang sa kanyang mga comedy scenes are fellow comedians John Lapus, K Brosas, Ogie Diaz, and, of course Chocoleit.

Also starring are Enchong Dee, Arron Villaflor, Dianne Medina, Ejay Falcon, Alex Castro, and Janice de Belen in a special role.

Special appearance rin sina Jayson Gainza at Pooh, mga dating kasamahan niya sa Banana Split Extra Scoop.

Directed by Don Cuaresma, ang Call Center Gil ay co-produced by Star Cinema and Skylight Films.

Pooh hindi rin imbitado sa kasal nila Melai at Jason

Hindi lang pala si Angelica Panganiban ang off-limits sa nalalapit na kasal ngayong Disyembre nina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Kabilang din si Pooh, na sinasabing nagsalita about Jason’s unpreparedness to become a father.

Ang pagdududa rin diumano ni Angelica na ‘di pa fit maging ama si Jason ang dahilan kung bakit ‘di siya imbitado sa kasal ng dalawa. Kahit pa best friend niya si Melai noong aktibo pa itong lumalabas kasama nila ni Pooh sa two gag programs, Banana Split Extra Scoop and Banana Nite.

Exactly three months pregnant na si Melai sa kanilang kasal sa General Santos City next month. Balitang ang wedding gown ni Melai ay tinahi mismo ng mother ni Jason.

ALEX CASTRO

ANGELICA PANGANIBAN

ARRON VILLAFLOR

BANANA SPLIT EXTRA SCOOP

BANANA SPLIT EXTRA SCOOP AND BANANA NITE

CALL CENTER GIL

CALL CENTER GIRL

MELAI

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with