AiAi bantay-sarado ng anak na lalaki
MANILA, Philippines - Bantay-sarado ni Sancho, anak ni AiAi delas Alas, ang kanyang ina mula nang mabalitaan na naloloka na naman ito sa lalaki.
Depensa ni AiAi: “Over protective lang ang anak ko sa akin dahil ayaw na niyang masaktan akong muli. Sabi ko naman sa kanya magkaibigan lang kami ni Lui Villaruz at sinabi ko rin na hinding-hindi na ako magpapakasal muli.â€
Jason bubuhayin si Melai kahit mag-tricycle driver na lang
Nabalitaan yata ni Jason Francisco ang panghahamak sa kanya nina Pooh at Angelica Panganiban na kasama niya sa Banana Nite kaya naisip niyang huwag na silang kumbidahin sa wedding day nila ni Melai Cantiveros.
Sabi ni Angelica sa launching ng Excelente brandy: “Hindi naman kami talaga pupunta sa kasal niya, una, hindi naman kami invited. Pero siyempre gusto ko maging world record ang kasal ni Melai. Maging masaya at pinakamaganda sa araw ng pagharap niya sa altar.â€
Nag-guest kamakailan sina Jason at Melai sa show ni Vice Ganda sa Dos at ipinahayag ng komedyante na gagawin niya ang lahat para buhayin ang kanyang pamilya kahit mag-tricycle driver lang siya.
Gov. Vilma masaya sa nominasyon ni Nora sa pagka-national artist
Ano ang masasabi ni Gov. Vilma Santos-Recto tungkol sa nominasyon ng archrival niyang si Nora Aunor ng national artist award?
“I am happy for her naman. Halos magkasabay kami sa showbiz nang magsimula. Palagi kaming pinagtatapat, hanggang sa award. Kanya-kanyang timing lang naman ’yan eh. Pana-panahon, kumbaga,†sabi ni Gov. Vilma.
- Latest