^

Pang Movies

Kris inayawan agad ni Renz!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Taka si Luis (Renz Fernandez) sa paglayo ni Cess (Kris Bernal) sa kanya kaya hahabulin niya ito. Pero pilit na lalayo si Cess. Saka mababanggit ni Luis si Nick (Aljur Abrenica) at hindi makakapagsalita si Cess. Mararamdaman ni Luis na tama ang kutob niya kaya masasaktan siya at siya na ang kusang lalayo kay Cess. Samantala, masayang-masaya naman sina Kate (LJ Reyes) at Tessa sa mga na­ngyayari. Habang si Eliza (Carmi Martin), hindi pa rin matanggap na nagkabalikan na sina Luis at Cess. Ang hindi nila alam ay naghiwalay na ang mga ito kaya naman maglalasing si Luis. Laking gulat na lang niya nang magkita sila ni Nick!

Lasing na si Nick kaya makulit na ito. Babatiin niya si Luis sa pagkakabalikan nila ni Cess pero maiinis naman si Luis at bigla silang magpapaligsahan sa inuman at kung anu-ano pa! Malalaman naman nila Waldo at Violet na hindi na nakipagbalikan si Cess kay Luis kaya mag-aalala sila. Hindi para kay Cess kundi para sa mga sarili nila. Dahil doon magagalit si Cess na hindi man lang inaalala nila Waldo ang nararamdaman niya! Mauuwi naman ang paligsahan nila Nick at Luis sa suntukan!

Ang pag-aaway nilang iyon ang magiging dahilan para hulihin sila ng mga pulis. Makakarating naman agad kay Eliza ang balitang nakakulong si Luis at Nick kaya pupunta siya agad sa presinto. Susunod naman si Roberto (Emilio Garcia). Mapapagtanto naman ni Waldo ang pagkakamali niya at hihingi siya ng sorry kay Cess. Sa presinto, madaratnan naman ni Eliza si Tessa at mag-aaway din sila. Madadamay pati ang pulis!

Manghihingi naman ng sign si Cess kung tama nga ang nararamdaman niya para kay Nick at hindi naman siya mabibigo. Dahil naman sa pang-sasabunot nila Eliza at Tessa sa pulis, makukulong din sila pareho! Pero hindi pa rin titigil sa pag-aaway sina Tessa at Eliza!

Aawatin nila Nick at Luis ang mga nanay nila. Saka darating si Roberto at magagawa niya silang ilabas lahat sa kulungan. Pagkatapos noon ay mag-sasagutan naman sila Roberto at  Eliza. Malalaman na rin ni Cess ang balita na nag-away sina Luis at Nick at ikagugulat niya ito!

 Magiging usap- usapan na naman si Cess dahil sa pag-aaway nila Nick at Luis. Pero hindi magsasalita si Cess tungkol dito. Samantala, magiging buo na ang desisyon ni Nick na magre-sign sa kompanya ng Grande na siyang tututulan ni Roberto.

Pero hindi na papipigil pa si Nick at makakaramdam ng kalungkutan si Roberto. Pagsasabihan naman ni Phil si Cess na kamustahin sina Luis at Nick. Dahil naman sa pagre-resign ni Nick, mag-aaway na naman sina Eliza at Roberto. Kaso hindi naman papayag si Roberto na tuluyang malayo si Nick sa kanya kaya bibisita si Roberto sa Condo ni Nick. Iyon nga lang magmamatigas si Nick at wala ng magagawa pa si Roberto!

 Si Luis naman malungkot pa rin dahil na rin sa hindi pagpili ni Cess sa kanya. Hindi naman inaasahan ni Cess ang biglang pagdalaw ni Nick. Magpapaalam ito bigla kay Cess dahil magpapakalayu-layo na raw ito. Pupunta na raw si Nick sa New York!

Matutulala si Cess sa ginawang iyon ni Nick. Mapapaisip si Cess. Magbabalik sa alaala niya ang mga panahon na magkasama sila ni Nick. Hindi na rin mapipigilan ni Tessa si Nick sa balak niyang pagpunta sa New York. Pero may hakbang na gagawin si Tessa para malinis ang pangalan ni Nick sa publiko!

Magpapa-interview si Nick at sasabihin niya ang lahat. Pati ang rason kung bakit sila nag-away ni Luis. Mapapanood naman itong lahat ni Cess at mapapatunayan niyang mali ang inakala niya kay Nick! Mapapanood din nila Eliza at Roberto si Nick sa TV at mag-aaway na naman sila! Hindi naman na magsasayang pa ng panahon si Cess, pupuntahan niya si Nick bago ito makaalis. 

Pupunta na sa Airport sina Nick, kasama niya sina Tessa at Kate. Hahabol naman sina Cess kina Nick! At magtatagumpay nga si Cess.

Maaabutan pa niya si Nick at sa gitna ng daan, maghahalikan ang dalawa! Abangan ang susunod na mga episode sa Prinsesa ng Buhay Ko sa GMA.

vuukle comment

CESS

ELIZA

LUIS

NAMAN

NICK

NILA

NIYA

ROBERTO

TESSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with