^

Pang Movies

Award ni Kuya Germs ‘sorpresa’

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nagulat kaming mga nanood sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo nang ma­ging tatlo ang special awards sa katatapos na PMPC Star Awards for Television na ginanap Linggo ng gabi.

Sa pagpili kasi ng dalawang parangal na excellence in broadcasting award para kay Rey Langit at Ading Fernando Lifetime Achievement Award for Kitchie Benedicto ay kasali kami.  Ang aming nasambit, well-deserved nilang ipinagkaloob na parangal ng Philippine Movie Press Club.

Doon nga sa AFP Theater ay nadagdag si German Moreno sa nagkamit ng special award. Ang sabi’y para sa kanyang 50 years as TV personality. Alam naman natin na nagkamit na rin siya ng lifetime achievement award noong mga nagdaang taon.

Sa aming isipan, wala naman ang pagdududa na hindi siya dapat bigyan ng award. Kaya lang hindi man lang pinaalam sa ibang kasapi ng PMPC na awardee ang beteranong artist.  Congratulations para sa naghabol na parangalan siya. At least natupad ang iyong kagustuhan, kahit nabalewala naman kami.

Rey Langit tiyak na ang balato kay Gov. Chavit

Masayang-masaya si Rey Langit sa pagtanggap ng excellence in broadcasting trophy. Noon kasi ang akala niya ay habang buhay siyang hindi mapapansin ng PMPC. That Sunday evening nga, hindi niya akalain na isang mataas na parangal pa ang ipagkakaloob sa kanya.

Sa kanyang morning radio program sa DWIZ noong Lunes ng umaga, ang haba ng kanyang pasasalamat sa PMPC, dahil sa palagay niya, kumpleto na ang kanyang career sa pagbibigay ng parangal sa kanya ng club.

Lahat pinasalamatan niya, pati na ang kanyang pa­mil­ya, kasama ang yumaong anak na broadcaster na naging biktima ng malaria; at lahat ng mga nakasama as outs­tanding and multi-awarded broadcaster ng mahigit na limang dekada.

Pacman naawa kay Rios kaya ’di pinuruhan

In that morning show, na-interview ni Rey Langit sa telepono si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, na nasa Macau pa, matapos manood ng laban nina Manny Pacquiao at Brandon Rios.

Biniro ni Rey si Chavit na naghakot ng pera sa Macau dahil sa nabalitang super laking pusta sa boxing match. Ang sabi ng gobernador na laging sumasama sa mga laban ni Pacman, sumalubong pagda­ting niya sa bansa si Rey at bibigyan siya ng balato.

Nakuwento ni Chavit na bugbog sarado kay Pacman si Rios. Apat na ulit na puwedeng pabagsakin ng Pambansang Kamao ang mga Amerikano pero nagdalang-habag ang congressman ng Sarangani.

Siyempre nakahanda na ang ibibigay na tulong ni Pacman sa mga biktima ng bagyo sa Kabisayaan.

Viewing habits ng mga Pinoy dapat isabay sa pag-unlad ng mga TV set at cable services

Noon pa lang ’70s, mga 33 percent lang ng mga Pinoy ang may television set. Tumaas ng mahigit 80 percent noong ’90s hanggang maging 100 percent o lahat ng bahay merong TV set, pagpasok ng new millennium. Nang mauso ang cable TV, may 500,000 na ngayon ng mga palabas sa paid cable TV at karamihan sa kanila nasa linyang HD (high definition) na. Paano naman kaya ang mga locally produced show na palabas din sa cable TV?

Sana tumaas din ang kanilang kalidad kasabay ng maraming pag-unlad ng TV viewing habits na­ting mga Pinoy.

 

vuukle comment

ADING FERNANDO LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

BRANDON RIOS

CAMP AGUINALDO

CHAVIT

CHAVIT SINGSON

PACMAN

PINOY

REY LANGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with