Bagong Kim kulang sa experience pero mga creator ng Miss Saigon pinanganga
Nalagyan ng ngiti ang mga labi ng marami naÂting kababayan nang maibalitang mga Pinoy ang nakakuha ng mga major role sa magiging revival ng Miss Saigon sa West End, London, England sa 2014.
Nakapasa si Rachelle Ann Go sa kanyang audition at siya ang gaganap na bagong Gigi na unang ginampanan ni Isay Alvarez sa West End.
Ngayon pa lang ay inaabangan na kung kasing galing ba ni Rachelle si Isay sa pag-awit ng song na The Movie In My Mind.
Ang bagong Kim na napili ay ang Filipino-American named Eva Noblezada na taga-Charlotte, North Carolina.
Ito ang unang pagsabak ng 17 years old na si Eva sa professional theatre acting pero napabilib niya ang mga creator ng Miss Saigon sa kanyang audition pa lang. Naulit ang pagkamangha nila kay Eva tulad noong unang mag-audition sa kanila si Lea Salonga in 1988.
“The real first question is: Who will be Miss Saigon? Eva was discovered doing a high school concert in New York. Even though she hasn’t done any shows before, except the high school concert, I think she is a wonderful natural actress,†saad ni Cameron Macintosh.
Gayun din ang pagkamangha ng Miss Saigon lyricist na si Alain Boublik nang marinig niya ang boses ni Eva.
“You think that the lightning doesn’t strike twice. But, in fact, sometimes it does. She comes into the studio and again does the trick,†sabi ni Alain.
Say naman ng Miss Saigon composer na si Claude Michel Schonberg patungkol kay Eva: “It’s a miracle because she sees Saigon as if she was Kim.â€
Ang role na Engineer ay gagampanan naman ni Jon-Jon Briones. Naging part na si Briones ng original ensemble ng Miss Saigon noong 1989 sa London. Ngayon ay siya na ang nasa lead role na unang ginampanan ni Jonathan Pryce.
Say nga ni Cameron tungkol kay Jonathan: “There’s no doubt that Jonathan Pryce was one of the great reasons why Miss Saigon became a worldwide success. His performance was quite extraordinary.
“And because of what he did to the original show we were subsequently able to find an Asian performer to actually play the role in his own brilliant way.â€
Bukod sa principal cast, ang ensemble cast ay sinamahan din ng mga Pinoy na sina Julia Abueva, Tanya Manalang, at Ariel Reonal na mga nagsilabas na sa iba’t ibang mga musical theatre bago sila nag-audition sa Miss Saigon.
Ang iba namang kasama sa cast ay galing sa iba’t ibang bansa tulad nina Natalie Chua, Jon-Scott Clark, Rob Compton, Callum Francis, Ashley Gilmour, Maria Graciano, , at marami pang iba.
Sa loob ng 25 years, ang multi-awarded na Miss Saigon ay na-stage na sa 300 cities sa 28 countries at 15 languages.
Tom pansin na pansin hanggang musical, nominadong best actor
Hindi na mapipigilan pa ang pagiging big star ni Tom RodÂriguez. Bukod sa kanyang pagsikat dahil sa groundbreaking gay serye na My Husband’s Lover, nagkaroon pa siya ng album kasama si Dennis Trillo na pinamagatang TomDen at nagkaroon pa siya ng kabi’t kabilang mga endorsement.
Ngayon ay nakilala na rin ang pagiging aktor ni Tom sa entablado dahil nakakuha siya ng best actor in a musical play nomination at best crossover artist sa BroadwayWorld Philippines Award.
Ito ay para sa pagganap niya bilang si Aladdin sa musical play ng Atlantis Productions na Aladdin.
Makakalaban ni Tom sa category na best actor in a musical play sina Dan Domenech (Tarzan), Guido Gatmaytan (The Bluebird of Happiness), Lorenz Martinez (They’re Playing Our Song), at Anton Posadas (The Bluebird of Happiness).
At para sa best crossover artist (mainstream to theater) ay sina Aicelle Santos (Katy) at Marc Abaya (Closer).
Magkasunod naman ang suwerte ni Rachelle Ann Go dahil bukod sa siya ang bagong Gigi sa Miss Saigon, nakakuha naman siya ng best actress in a musical play nomination para sa pagganap niya bilang Jane sa Tarzan ng Viva Atlantis Theatricals.
Makakalaban ng singer-actress sina Isay Alvarez (Katy), K-La Rivera (Carrie), Mikkie Bradshaw (Carrie), at Aicelle Santos (Katy).
- Latest