^

Pang Movies

Panalo ni Pacman pampa-high morale ng mga Pinoy

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“To all the people and families affected by the typhoon, I will see you there. I love you so much!” Ito ang binitiwang salita ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos niyang muling tanghaling WBO International Welterweight champion sa laban kay Brandon Rios sa Cotai Arena in Venetian Hotel, Macau. Nakita ngang he looks up to the heavens at nagpasalamat. 

Nakita naman na sa simula pa lamang ay malaki na ang tsansa ni Manny na manalo kaya nga tweet ni Dingdong Dantes na nanood sa Macau kay Rios: “’Wag mo galitin ang Pinoy lalo na ngayon na may pinagdadaanan! Matibay ang ispirit!” 

Tweet naman ni Chris Tiu: “Congrats Kuya Manny. Thanks for giving us all something to cheer for and hope amidst this moment of difficulty. Mabuhay ka!” 

Totoo, ang panalo ni Manny ay malaking boost sa mga Pinoy, lalo na ang mga sinalanta ng bagyo sa Visayas.

Around 80% daw ng audience ay mga Pinoy at naroon din ang friend ni Jinkee Pacquiao na si Paris Hilton, si David Beck­ham na personal na pumunta sa dressing room ni Manny and wished him success, si apl.de.ap, at si Mommy Dionisia plus maraming cele­brities and politicians ang naroon. First time namang nangyari na isa lamang ang ku­manta ng The Star-Spangled Banner ng Amerika at Lupang Hinirang ng Pilipinas. Special request daw ito ni Manny sa American Idol na si Jessica Sanchez. Maayos na nakanta ni Jessica ang ating national anthem.

Thea tanggap kung ibabalik sa pagsu-support

No problem kay Protégé 2 winner na si Thea Tolentino kung after na maging lead actress siya ng afternoon prime drama series na Pyra, Ang Babaeng Apoy ay big­yan naman siya ng supporting role ngayong matatapos na ang kanilang soap ng kapwa winner na si Jeric Gonzales. Isa raw malaking op­portunity ang ibinigay sa kanya ng GMA Network na hindi niya tinanggihan dahil baka hindi na maulit. Pero marami raw siyang natutunan sa una niyang soap at tiyak daw na magagamit niya iyon sa mga susunod pa niyang projects na gusto niya ay drama ulit.

Kaya malulungkot na si Thea sa last two taping days nila dahil naging mabait sa kanila ang mga ma­­huhusay na artistang kasama nila, sina Roxanne Guinoo, Angelu de Leon, Gladys Reyes, Christopher Roxas, Polo Ravales, at Ryan Eigenmann. 

Biniro namin si Thea kung nanliligaw na sa kan­ya si Jeric na hindi naman inililihim na gusto niya ang leading lady niya pero hindi pa raw siya puwedeng ligawan at 17 years old. Alam daw ni Je­ric na crush niya ito pero hanggang doon na lamang iyon dahil mga bata pa sila at mas gusto muna nilang mag-succeed sa kanilang career.  Ang Pyra ay napapanood after ng Magkano Ba ang Pag-ibig sa GMA 7.

AMERICAN IDOL

ANG BABAENG APOY

ANG PYRA

BRANDON RIOS

PINOY

SHY

THEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with