^

Pang Movies

Jessica ni-request ni Pacman

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tutulong din ang American Idol runner-up na si Jessica Sanchez sa biktima ng Yolanda. Ang proceeds ng kikitain ng bago niyang single na Lead Me Home ay ido-donate niya sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa laban nga pala bukas ni Rep. Manny Pacquiao at Rios sa Macau, si Jessica ang hiling ng Pambansang Kamao na kumanta ng ating national anthem.

Ted Failon dedma sa batikos sa pananaboN sa PAGASA

Si Noli de Castro na lang ang walang kontrobersiyang kinasasangkutan kaugnay ng bagyong Yolanda. After Korina Sanchez, si Ted Failon naman ang binabatikos ngayon dahil sa maaanghang niyang komento sa mga taga-PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration).

Sa statement na inilabas ng PAGASA, minasama nila ang mga sinabi ni Ted sa kanyang radio program sa DZMM. Eh meron palang empleyado ng PAGASA na namatay on duty sa kasagsagan ng bagyo.

Kahapon sa radio program ni Ted, hindi na niya tinapos ang programa at pinalitan siya ni Jasmin Romero sa huling oras ng programa niya. Pero walang paliwanag si Ted tungkol sa batikos sa pahayag na inilabas ng PAGASA.

Showbiz Police gagawin na ngang 30 minutes, babawasan pa ng hosts

 Magiging 30 minutes na lang daw ang Showbiz Police ng TV5.  Eh ang siste, magkakasibakan pa ng hosts!

Sa totoo lang, tanging ang Startalk na lang ang talagang showbiz talk show. ’Yung The Buzz ay ginawa ng Buzz ng Bayan. Pero hindi na masyadong interesante ito ngayon dahil sa pagbabago ng format.

Pero once may malaking balitang showbiz na sumabog, tiyak na magkakaroon muli ng interes ang mga tao sa talk show.

AFTER KORINA SANCHEZ

AMERICAN IDOL

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

JASMIN ROMERO

JESSICA SANCHEZ

LEAD ME HOME

PERO

SHOWBIZ POLICE

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with