^

Pang Movies

Kauna-unahang Gintong Palad tagumpay

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Naging isang tagumpay ang pagbibigay ng Gintong Palad Public Service Awards sa mga taong mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na may ginintuang puso at tumutulong sa kanilang kapwa. Ito ang unang pagbibigay ng parangal mula sa Movie Writers Welfare Foundation (MWWF).

Dumalo ang mga malalaking personalidad para tanggapin ang kanilang award gaya nina Boots Anson Roa ng MOWELFUND, Mother Ricky Reyes ng Child Haus, Angel Locsin na maaasahan sa pagtulong tuwing may kalamidad ang bansa, Marian Rivera na regular na nagsasagawa ng gift-gi­ving sa mga bata o matanda, Jolina Magdangal ng Angels Foundation, Congressman Alfred Vargas mula sa government sector na maaasahan sa serbisyong pampubliko, at Robin Padilla na si­nuportahan ng mga kaibigan mula sa Muslim community. Hindi man nakadalo ang ibang pararangalan dahil nasa Kabisayaan sila at nagko-cover o tumutulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda gaya ni Mr. Miguel Belmonte ng business sector kaya si Al Pedroche ang kumatawan sa kanya.

Dumalo ang special awardees na si Wilson Tieng na malaki ang naitulong noon at hanggang ngayon sa pagkakatatag ng Movie Writers Welfare Foundation gayundin si dating Konsehal Ariel Inton na nagpasa ng ordinansa noon sa pagpataw ng piso sa mga cinema sa Quezon City sa buwan ng Mayo at naging beneficiary ang MWWF. Nakalikom din ng malaki-laking halaga ang samahan na ginamit sa pagtulong sa pagkakasakit at pagkamatay ng ilang entertainment press.

Malaking sorpresa ang pagdalo ni Gov. ER Ejercito na kahit busy sa shooting ng Boy Golden ay dumalo rin para tanggapin ang special award para makatulong na makatayo ang foundation. Bagama’t hindi nakadalo si Kuya Daniel Razon, dahil hindi maiwan ang isang prayer rally, ay nagpadala ito ng isang bus ng UNTV followers kaya napuno ang One Esplanade sa Pasay City bukod pa sa mga bisitang sumaksi sa unang pagdiriwang ng Gintong Palad Public Service Awards.

Sa acceptance speech ni Marian, nang tanggapin ang award ng boyfriend na si Dingdong Dantes na gustuhin mang dumalo ay nagte-taping naman, ay kinilig ang lahat nang sabihing “para sa aking kabiyak” ang award.

Magaganda ang production number at masaya ang hosts na sina Jasmine Curtis at Mr. Fu na siyang nagbigay-sigla sa pagdiriwang.

Nakakatabang-puso ang mga papuri ng ilang awardees na nagsabing maganda ang pagkakaroon ng public service award dahil ipinakikita rin ang positibong katangian ng celebrities lalo na’t nagkasama-sama sa isang magandang layunin sa pagtulong sa kanyang kapwa.

Salamat sa lahat ng tumulong! Mapapanood ang awards night sa Dec. 1 sa TV5, 10 p.m.

vuukle comment

AL PEDROCHE

ANGEL LOCSIN

ANGELS FOUNDATION

BOOTS ANSON ROA

BOY GOLDEN

CHILD HAUS

CONGRESSMAN ALFRED VARGAS

DINGDONG DANTES

MOVIE WRITERS WELFARE FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with