^

Pang Movies

Sing ’n joy choral competition dadaluhan ng mga banyagang hurado

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Pangungunahan ni Kirby Shaw ng Amerika at ni Jonathan Velasco ng Pilipinas ang hanay ng mga batikang hurado na inimbitahan ng Interkultur Germany para sa Sing N Joy Manila 2013, ang international choral competition na gaganapin sa Aliw and Star Theaters sa Pasay City mula ika-11 hanggang ika-14 ng Disyembre sa pakikipagtulungan nito sa Manila Broadcasting Company at Philippine Choral Directors Association. Kasama nila sina Chau Anh Dang ng Vietnam, Tommyanto Kandisaputra ng Indonesia, Ko Moe Naing ng Myanmar, at Beverly Shangkuan-Cheng.

Magbibigay din ng workshops sina Shaw at Velasco sa umaga ng Disyembre 12-13 na ang mga interesadong sumali ay maaari nang magparehistro sa www.interkultur.com

Nagtapos si Kirby Shaw ng Music Education at Choral Composition sa San Jose State University at mayroon din siyang DMA degree sa Choral Conducting mula sa University of Washington.  Malaki ang naiambag niya sa choral music education hindi lamang sa Amerika kundi maging sa Canada, Australia, Bahamas, Sweden, Netherlands, Italy, Switzerland, Spain at Germany. Isang composer/arranger na may 3,000 choral compositions/arrangements na nilimbag na, ang musika ni Shaw ay inaawit sa buong mundo, at bumenta na ng mahigit 20 milyong kopya.

Miyembro rin siya ng Just-for-Kicks, isang four-man a capella ensemble na espesyalista sa jazz at nakapag-one-on-one na siya kina Bobby McFerrin, Al Jarreau, John Hendricks, Mark Murphy, at Chris Calloway.

Si Jonathan Velasco naman ay pangulo ng Phili-ppine Choral Directors Association at Advisor sa Board of the International Federation for Choral Music. Siya rin ang kumakatawan sa Pilipinas sa World Choir Council, at miyembro ng Artistic Committee ng Polyfollia Festival sa Normandy, France.  

Naging assistant choirmaster siya ng University of the Philippines’ Madrigal Singers sa ilalim ni Prof. Andrea Veneracion, National Artist.  Nagtapos siya “with distinction” ng Choral Conducting sa Berliner Kirchenmusikschule.  Siya ang kauna-unahang  Asian principal conductor ng World Youth Choir at naging hurado sa 2002, 2004, at 2006 Choir Olympics sa Busan, Bremen, at Xiamen. Sa kasalukuyan, hawak niya ang Ateneo Chamber Singers, National Power Corporation Chorale, Globalink Holdings Corporation Chorale, the Miriam College Glee Club, at ang Chamber Choir of Asia.

May 45 choirs mula sa iba’t ibang lugar ng ASEAN ang maglalaban sa mixed chorus, musica sacra, folkloric, pop-jazz, gospel-spiritual, at youth categories ng Sing N Joy Manila kung saan makakakuha rin ng international ratings ang mga kasali. US$5,000 ang nakalaan sa magwawagi ng Grand Prix, bukod sa mga gold, silver, at bronze certificates na ipamamahagi sa bawat kategorya.

Ang Sing N Joy Manila 2013 ay handog din ng Star City at Globe Telecom, sa pakikipagtulungan ng Alaska, 7-11, Alpen Libe, M. Lhuillier, Coca Cola, at ng Department of Tourism.

Para sa karagdagang detalye, maaaring mag-e-mail sa [email protected] o kontakin ang numerong  0932-2875550.

 

AL JARREAU

ALIW AND STAR THEATERS

ALPEN LIBE

AMERIKA

ANDREA VENERACION

CHORAL

CHORAL CONDUCTING

KIRBY SHAW

SING N JOY MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with