^

Pang Movies

Justin Bieber nanghihingi na rin ng donasyon para sa mga Pinoy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung anumang masasamang balita ang naririnig natin tungkol sa dayuhang singer na si Justin Bieber, natawag niya ang  aming pansin dahil sa ginawa niyang graffiti. Nag-drawing siya sa isang wall at may nakalagay na “pray for the Philippines.”

Iyong lata ng mga spray paint na ginamit para sa drawing na iyon, at ang autographed copies ng picture ng drawing, ay ipinagbibili ngayon bilang souvenirs at ang mapagbebentahan ay ibibigay niya sa fund campaign para sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas.

Isipin ninyo ’yan, hindi lamang ang mga artista nating Pinoy ang nakakaisip na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, maging ang mga dayuhang sikat na iniidolo ng kabataan na gaya ni Justin. Marami pang kuwento ng ibang foreign artists na gusto ring makatulong sa Pilipinas at palagay namin iyan ay dapat nating ipagpasalamat ng malaki sa Diyos at sa kanila.

Diyan mo makikita ang damayan sa showbusiness. Tingnan ninyo rito sa ating bansa, sino ba ang unang humugot sa sariling bulsa para makatulong sa mga biktima ng bagyo, hindi ba ang mga artista natin? May narinig na ba kayong isa mang pulitiko na nagsabing magbibigay siya mula sa kanyang sariling bulsa? Bumunot ba kahit na singkong duling ang mga nakikinabang sa pork barrel?

May isa pang idea kaming narinig. Si Rhian Ramos naman daw ay nag-alok na gagawa siya ng fan signs kapalit ng donas­yon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Ang fan signs ay karaniwang libre lang naman pero para mapagawa mo ng ganun ang mga artista, at ipadala pa ang kanilang picture na hawak ang fan sign na para sa inyo, iyon ang mahirap.

Mas nakakatuwa ang ganyan kesa sa mga pulitikong inuuna ang pamumulitika.

Cristina nakapagbigay ng linaw

Naalala nga namin ang naging kuwento ng dating aktres na ngayon ay konsehala nang si Cristina Gonzales-Romualdez kung paanong muntik na silang mamatay nang tumama ang storm surge sa Tacloban City, Leyte at kung paanong ang kanyang asawa, ang mayor na si Alfred Romualdez, ay muntik na ring mamatay noong oras na iyon. Nagkuwento pa siya na maski nga raw si mayor ay siya mismo ang nag-drive ng heavy equipment para maalis ang mga nakabarang nagtumbahang puno at iba pang debris sa daan.

Mabuti na lang nagkuwento nang ganoon si Cristina, kung hindi ay baka nga naniwala kaming walang ginawa ang alkalde at dapat na nga siyang mag-resign at sabihing hindi niya kayang pamunuan ang kanyang bayan. Mabuti na nga lang nakarating ng Maynila at nakapagkuwento na si Cristina bago nangyari ang panibagong sisihan.

Film version ng Romeo & Juliet ni Dicaprio tinalbugan ng baguhan

Isang kaibigan namin ang nagpilit sa aming manood ng sine noong isang araw. Napanood namin ang pelikulang base sa love story na ginawa ni William Shakespeare. Tama iyong kaibigan namin, magaling nga ang aktor na si Douglas Booth na siyang gumanap na Romeo. Siya rin ang lumabas sa film bio ng singer na si Boy George na ginawa para sa telebisyon ng BBC. Mas magandang version iyon ng pelikulang Romeo & Juliet at mas may hitsura pa si Douglas kesa kay Leonardo DiCaprio na naunang gumanap na Romeo.

vuukle comment

ALFRED ROMUALDEZ

BOY GEORGE

CRISTINA

CRISTINA GONZALES-ROMUALDEZ

DOUGLAS BOOTH

JUSTIN BIEBER

PARA

PILIPINAS

SI RHIAN RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with