Mikael nabitin sa pagkikita nila ni Megan
Masayang nakipag-usap si Mikael Daez sa showbiz press sa presscon ng bago niyang primetime show, ang telefantasyang Adarna, at unang naitanong sa kanya kung nagkita sila ng special friend niyang si Miss World Megan Young sa London, England. Hindi naman nagkaila ang aktor, hindi nga raw lamang matagal ang pagkikita nila, more than one hour lamang. Natawa siya nang tanungin si Megan kung saan siya puwedeng kumain, wala raw itong nasabi kasi nasanay pala ang beauty queen sa hotel food at lumalabas lamang ito kapag may event na pupuntahan.
Honored si Mikael na siya ang ginawang representative ng GMA Network sa direct inaugural flight ng Philippine Air Lines (PAL) sa London at sinamantala niya iyon para makapag-shoot ng special episodes ng Midnight Snack, na segment niya sa news program ng GMA 7, ang Saksi. Mag-isa lamang siyang nagpunta roon at siya rin ang nag-shoot ng four episodes doon. Hopefully raw ay magustuhan ng GMA ang ginawa niya.
Hindi lamang nakapagtagal si Mikael dahil sa taping niya ng Adarna bilang si Falco, ang taong ibon na dapat ay gabay siya ni Ada (Kylie Padilla) pero so in love siya rito at hindi raw niya alam kung magagampanan niya ang tungkulin niya o pagseselosan ang dalawa pang lalaki na nauugnay din kay Ada, sina Migo (Geoff Eigenmann) o Bok (Benjamin Alves).
Nagsimula nang mapanood ang Adarna last Monday, after 24 Oras, directed by Ricky Davao.
Tween stars nagso-solicit din
Kahit ang tween stars ay hindi nagpabayang tumulong sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda. Sa pangunguna ni Bea Binene, nang mag-celebrate siya ng kanyang 16th birthday sa Ruby Room ng Crown Plaza, kasama sina Barbie Forteza, Joyce Ching, Kyrstal Reyes, Yassi Pressman, Louise delos Reyes, at boyfriend na si Jake Vargas at Ken Chan, isinagawa nila ang paghingi ng suporta para sa sarili nilang pamamahagi ng relief goods. Iyong mga endorsement ni Bea, nagkaloob ng cash donations and in kind.
Binoy pipirma ng limang taong kontrata s
Tiyak na ikatutuwa ng fans ni David Remo ang balitang pipirma na siya ng five-year exclusive contract sa GMA Network. Hindi ikinaila ni Direk Don Remo, David’s father, na may offer din sila mula sa kabilang network pero pinili pa rin niya ang Kapuso Network dahil maganda raw silang kausap at una namang nag-offer sa kanila ng contract.
After ng Binoy Henyo ni David, TV commercials ang ginawa nito at sa ngaÂyon ay may 17 commercials na ang bagets. Tatlo raw ang pinagpipilian nilang proÂjects pero baka ang unang gawin ni David ay ang part two ng Binoy Henyo, same cast. Hanggang ngayon daw kasi kapag nakikita ng mga tao si David, Binoy pa rin ang tawag sa kanya.
- Latest