Vivian Velez hindi na nagpakita ng kaseksihan sa Indie
Walang masyadong balita kung ano ang pinag-uusapang pelikula o kung ano ang kumikita sa kasalukuyang Cinema One Originals Festival 2013. Dahilan na rin siguro ito ng pananamlay ng moviegoers dahil nakatuon ang ating pansin sa pinagdaraanan ng Leyte sa ngayon. Mahirap ding maka-timing ng schedule kung anong pelikula ang panonoorin at kung saang sinehan.
Pero ang maganda ay suportado at masigla ang mga artista na mag-promote ng kani-kanilang pelikula na kalahok sa Cinema One filmfest. Nung Miyerkules ay nanggulat si Vivian Velez sa Glorietta 4 Cinema sa Makati City dahil naka-schedule pala ang kanyang pinagbibidahang Bendor at lumabas siya ng sinehan na kasama ang ibang nasa cast at ilang kaibigang artista.
Miss Body Beautiful pa rin pala talaga si Vivian kahit nakatago sa balot na balot niyang long-sleeved blouse. Mukha namang masaya ang mood niya pagkatapos ng pelikulang idinirek ni Ralston Jover dahil nakangiti si Vivian sa mga tao at game magpa-picture. Ibig sabihin nagandahan siya sa resulta ng Bendor.
Ang Bendor ay tungkol sa isang tindera ng mga halamang gamot sa Quiapo Church sa Maynila na suma-sideline rin ng pag-aalok ng tableta na pampalaglag. Hindi glamorosa ang papel ni Vivian sa tinanggap na unang indie film at lalong hindi makikita ang kanyang kaseksihan.
Joey masaya na sa resulta ng Bekikang
Sa isang fastfood chain naman ay namataan ko si Joey Paras na kumakain kasama ang barkada. Wala siyang koneksiyon sa Cinema One Originals filmfest dahil wala naman siyang entry. Pero siguradong alam niya na ongoing na ang Pinoy indie filmfest na suportado ng ABS-CBN.
Kinumusta ko ang gay comedian pagkatapos ng launching film niya na Bekikang: Ang Nanay Kong Beki dahil hindi ito masyadong nagtagal sa mga sinehan dahil dumating ang sequel ng Thor.
“Okay lang. Wala po akong regrets o panghihinayang. Ang sa akin kasi kahit ilang araw lang siya o kahit konti lang ang nakapanood pero kung ‘yung nakapanood ay nasiyahan naman ay tagumpay ko na ‘yun,†sabi ni Joey na simpleng-simple lang ang ayos at napakagalang makipag-usap.
Masaya at nagpapasalamat naman siya sa mainstream film na idinirek at tinulungan ni Wenn Deramas pero tanggap niya kung hindi niya balwarte ang mainstream na mundo ng pelikula.
“Wala naman kasi sa isip ko ‘yung sumikat eh. Basta masaya ako sa ginagawa ko. Okay lang akong balik-teatro, indie-indie, at sa TV. Ngayon nasa Galema: Anak ni Zuma ako,†napa-smile si Joey.
Pero siya mismo ay nagtataka kung bakit limitado lang ang nilabasang sinehan ng Bekikang noong ipalabas at hindi na naibalik uli sa mga sinehan, kahit medyo tinangkilik naman, hindi tulad ng She’s the One ng Star Cinema.
“Desisyon iyon ng Viva Films eh. Hindi ko alam sa kanila kung bakit nagka-ganun,†sabay kibit-balikat ng komedyante.
* * *
May ipare-rebyu?
E-mail: [email protected]
- Latest