Hindi na umasa kay Cesar Sunshinelilipatnasanabilingbahay, perangipinambayadinutangsananay
Obvious na resigned na si Cesar Montano to the idea na ‘di na nga sila magkakabalikan ng dating asawang si Sunshine Cruz. After all nga naman, common knowledge ang panunuyo at pagpapakumbaba na ginawa niya para lang patawarin siya sa kung anumang pagkakasalang kanyang ginawa. But to no avail.
In fact, sa isang interview, binanggit ni Cesar na kung ang tuluyang paghihiwalay nila ang inaakala nitong magpapaligaya sa kanya willing na siya to give her freedom kumbaga. Ang importante lang, ang huwag ipagkait ni Sunshine ang karapatan ni Buboy bilang ama sa kanilang tatlong anak: The eldest is AngeÂlina, 11 years old, ang pangalawa naman ay si Samantha Angeline, 8, at ang bunsong si Angel Francheska ay 7 naman.
Inamin ni Sunshine, sa isang interview din, na inalok siya ni Cesar na ibibili siya ng bahay na matitirhan nilang mag-ina kung determined na nga ito na huwag nang makisama sa kanyang muli.
Pero, ayon sa aktres, masyadong malaki raw for her at sa kanyang mga anak ang bahay na balak bilhin ni Cesar for them. All she wants daw ay isang bahay na tama lang sa kanilang mag-iina ang laki. At dapat safe ang lugar at malapit sa paaralang pinapasukan ng mga bata.
Anytime soon ay lilipat na ng bahay si Sunshine, one of her choices at siya mismo ang bumili. Nangutang daw siya sa kanyang mommy para pangdagdag sa kung anumang perang meron siya para mabili ng cash ang bahay.
Happy daw siya dahil busy siya with good assignments na bigay sa kanya ng ABS-CBN. Night after nga naman natapos niya ang seryeng Dugong Buhay, napasama kaagad siya sa cast ng Galema: Anak ni Zuma, which has Andi Eigenmann playing the title role.
In Galema… Sunshine is cast with cousin Sheryl Cruz. Directed by Wenn Deramas, This well loved teleserye, which is doing the ratings, also stars Matteo Guidicelli, Divina Valencia, and Meg Imperial, among others.
Ejay nakakasiguro na sa masaganang Pasko
Tiyak daw na magkakaroon ng happy Christmas ang kanyang pamilya, according to Ejay Falcon, na sobra- sobÂra ang suwerteng dumarating.
Mantakin mo nga naman na after Dugong Buhay, heto at kasama siya sa pre-Christmas offering film ng Star Cinema at Skylight Films, Call CenÂter Girl, top billed by Pokwang. Co-stars niya sa movie na directed by Don Cuaresma ay sina Jessy Mendiola, John Lapus, Pooh, Jayson Gainza, Chokoleit, at Enchong Dee.
He is also in the cast of the Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, Girl, Boy, Bakla, Tomboy as leading man ni Vice Ganda, who plays the title role.
The film, directed by Wenn Deramas, also stars Maricel Soriano.
‘‘Paboritiong artista ng mama ko si Maricel. Kaya mas excited siya than me for this movie,†sabi ni Ejay.
‘‘Sa araw-araw na nagsyu-shooting ako, kapag kasama ko si Ma’am Maricel, blow by blow ay dapat i-account ko sa kanya ang nangyari sa shooting.’’
Sa kasalukuyan, playing leading man naman siya kay Julia Montes, para sa current handog na series ng Wansapanataym Christmas Special.
May pamagat na Christmas Janitor, and directed by Jon ‘‘Spanky Villarin, from a story and script of Noreen Capili, in the episode Ejay plays a janitor na mai-in love ang anak ng kanyang amo, ginagampanan ni Julia.
In his effort na ma-win ang loob at approval ng ama ng nilalangit, Ejay requests a mahiwagang parol to keep supplying him with magagarang gamit at masasarap na pagkain tuwing dumadalaw siya sa dalaga.
In the end though, mare-realize ni Ejay na higit na mas maganda kung mayroon kang busilak na puso at pagmamahal sa iyong kapwa.
This episode also stars Janice Hung at ang senior actress na si Perla Bautista.
- Latest