^

Pang Movies

Aktres suut-suot ang mamahaling gown na mula sa kaibigang tumulong para sa auction!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Noon pang lumindol sa Bohol nangyari ito, pero lumitaw dahil sa bagyong Yolanda. Nagpasimuno ang isang aktres ng auction sale at nangolekta ng mga mamahaling damit, bag, at iba pang gamit para makatulong sa mga biktima.

Kaya lang nakita ng ilang alalay ng celebrity na suot ng artista ang very expensive gown na walang kaparis. Walang duda na ’yon nga ang ibinigay sa kanyang abuloy.

Ang kasabihan, ‘‘Hahawak ka ba ng palayok na hindi mauulingan?’’

Well, abangan natin ang susunod na okasyon. Baka bag na Louis Vuitton o Prada ang bitbit ng matulunging aktres!

Dating sexy actress sobra ang kasibaan, pati pagkain ng iba nilalantakan!

Sobra ang takaw ng dating sexy actress. Pagda­ting ng caterer, nagpapahatid agad siya ng pagkain sa kanyang dressing room. Kung wala pa siyang take, agad siyang kakain. Pagdating ng meal break, hihingi uli siya ng rasyon na ang drama ay Tom Jones (gutom) na!

Sa loob ng kanyang dressing room, which she shares with another actress, puno ng chichirya. Bawal galawin kahit ano at magwawala siya. Kahit naman sobra sa timbang, may appeal pa siya at mahusay umarte.

Kaya lang kapag sinumpong ang kasibaan, nauubusan ng pagkain ang iba niyang mga kasamahan. Dedma naman siya at nagpapabili pa ng snacks sa mga fast food.

Willie hindi nagparamdam sa Leyte

Mahigit P50 million na ang nalikom ng Alagang Kapatid Telethon sa TV5. Truckloads of relief goods pa ang ibinabagsak sa kanilang Novaliches studio.

Ang GMA 7 na P50 million na ang koleksiyon, Sunday afternoon pa lang nagsimula ang live telethon kaya wala pa tayong exact figures ng kanilang nalikom.

Kung si Willie Revillame na bonggang mamigay ng pera sa kanyang defunct noontime show ay tila tahimik sa panahon ng malaking sakuna, tiyak naman na kumikilos din ang kanyang pusong maawain kahit walang TV cameras.

Sa kanyang bilyones na pera, kayang-kaya niya ang pagsagip sa maraming binagyo kahit without TV coverage.

Laban ni Pacman ka-back to back ng Star Awards sa Solaire

Dalawang malaking events ang mapapanood sa Solaire Resorts & Casino Ballroom on Nov. 24.

Sa tanghali ang Pacquiao-Rios fight sa Macau ay live na mapapanood sa giant screen.

Sa gabi naman ang staging ng PMPC Star Awards for TV, na dadaluhan ng halos lahat ng sikat na artista ng bansa. Pinag­handaan ang mga production number na magbibigay ng parangal sa Philippine television industry.

Pokwang sanay mag-katulong pero never pang humawak nang matagal ng phone calls

Kahit walang experience si Pokwang na maging call center worker, siya ang bida sa movie about these wage earners na 24 hours ang trabaho.

Inamin ng komedyana na ilang ulit na siyang naging katulong pero never siyang humawak ng phone ng super tagal. Saka ang alam natin sa mga call center beauty dapat mahusay mag-Ingles.

Angelina Jolie nagka-humanitarian award sa Oscars!

Binigyan na ng honorary Oscars sina Angelina Jolie (huma­nitarian award) at Steve Martin (lifetime achievement award) sa Governors Awards ng Academy.

Pinarangalan din si Angela Lansbury ng isa pang lifetime achievement trophy.

Donasyon ng celebrities hindi na dapat pinagkukumpara

Itigil ang pagkumpara ng mga donasyon ng mga artista para sa biktima ng bagyo. Ang mahalaga ay taus-puso ang pagtulong nila at hindi sa malaking halagang kanilang binigay.

Say ng mga intrigera, at least nalaman natin ang mga Madam Curie (kuripot). Kapag kusang loob na tumulong, bumabalik naman agad ang blessing kahit sa mga kilala kong showbiz writer.

ALAGANG KAPATID TELETHON

ANGELA LANSBURY

ANGELINA JOLIE

CASINO BALLROOM

CENTER

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with