Nagmamalasakit daw: Showbiz personality na nang-api sa parlor, visible sa mga nasalanta
Napaplastikan ako sa showbiz personality na visible sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
Hindi ako kumbinsido na sincere siya sa pagtulong dahil hindi ko malilimutan ang pang-aapi na kanyang ginawa sa isang tauhan ng beauty salon na dating pinupuntahan niya.
Masakit magsalita ang showbiz personality. Hindi niya puwedeng i-deny ang kanyang pagtataray at pangmamata sa pobreng empleyado ng parlor dahil mismong ito ang nagsumbong sa akin. Mula noon, nawalan na ako ng gana sa plastikada na showbiz personality. Gusto kong masuka kapag nababasa ko ang mga pralala tungkol sa pagtulong niya sa mga nangangailangan!
Journey nagbigay ng $350K sa World Food Programme para magpakain
Patuloy na dumarating ang mga donasyon mula sa iba’t ibang bansa at sikat na personalidad.
Nakakatuwa na malaman na nag-donate ng US$350,000 ang Journey, ang sikat na American band na kilalang-kilala ng mga Pinoy dahil si Arnel Pineda ang kanilang lead singer.
Ibinigay ng Journey ang kanilang tulong sa World Food Programme kaya safe na safe ang datung na donasyon nila. Marami sa mga biktima ng bagyo ang magkakaroon ng libreng pagkain mula sa World Food Programme. Hindi na mag-aalala ang mga Pinoy na baka mapasakamay ng mga mapagsamantala ang donasyon ng Journey.
GMA may tatlong oras na telethon
Hindi mapapanood ngayong tanghali sa GMA 7 ang Sunday All Stars dahil minabuti ng network management na magdaos ng teÂlethon para sa mga kababayan natin na biktima ni Typhoon Yolanda, ang Tibay ng Pusong Pilipino.
Hindi mami-miss ng fans ng Sunday All Stars ang kanilang mga favorite star dahil sila ang sasagot sa mga tawag sa telepono.
Tatlong oras ang iuukol ng GMA 7 para sa Tibay ng Pusong Pilipino na magsisimula ng alas-dose ng tanghali at matatapos ng 3 p.m.
Mel Tiangco napatunayan ang mga nakatenggang relief goods
Nagpunta si Mel Tiangco sa Tacloban City noong Biyernes at live na napanood sa 24 Oras ang kanyang mga report.
Takang-taka si Mama Mel dahil nakita niya ang nakatambak na relief goods na dapat eh napapakinabangan na ng mga kawawang kababayan natin sa Tacloban. Napanood sa national TV ang pagtatanong niya kay Papa Mike Enriquez tungkol sa relief goods na nakatengga. Bakit hindi pa ito ipinamimigay?
Salamat sa Diyos, nagpunta sa Tacloban City si Mama Mel dahil napatunayan ng mga Pinoy na totoo ang mga sinabi ni Papa Anderson Cooper na mabagal ang pagkilos ng mga kinauukulan para matulungan ang mga biktima ng kalamidad.
Ibang-iba sa concert
Congrats kay Sarah Geronimo dahil blockbuster ang anÂniversary concert niya sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes!
Maligayang-maligaya si Sarah dahil kahit tinamaan ng kalamidad ang Visayas, marami pa rin ang tumangkilik sa Perfect 10.
Satisfied naman ang mga nanood ng concert. Ibang-ibang Sarah daw ang napanood nila dahil ni-reinvent niya ang sarili.
Magkakaroon ng repeat sa Nov. 30 ang Perfect 10. May chance pa ang mga hindi nakapunta sa Big Dome na mapanood ang concert ni Sarah sa The Arena ng Mall of Asia. Hindi sila magsisisi dahil sulit na sulit ang kanilang mga ibabayad na ibibigay ni Sarah sa mga napinsala ni Typhoon Yolanda.
- Latest