^

Pang Movies

Sharon hindi pa nakaka-recover sa ‘depression’

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang halimbawa ang programang ipinakita nina Megastar Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, The Mega and the Songwriter, tungkol sa pakikiisa at pagtulong sa mga binagyong kababayan. Iba’t ibang donations ang tinipon sa pamamagitan ng mga tawag ng mga matulunging kababayan. Ilan sa mga tumulong ay galing sa ibang bansa.

Maging si Aga Muhlach ay tumanggap ng tawag na nagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Nabanggit nga ng aktor na nalulungkot siya dahil two weeks lang bago bumagyo ay dumalaw pa siya sa Bohol at Tacloban City, Leyte.

Nakarating na rin doon si Sharon kaya nade-depress siya. Touched nga ang Megastar dahil may tumawag na nagtatanong kung puwede raw mag-donate ng three hundred pesos. Sabi ni Mega, kahit anong amount ay maaari basta makakadagdag ng tulong sa mga biktima. Naka-P23 million ding mahigit ang nalikom nila sa more than three hours lang na mga nagbigay ng tulong.

Bakit kaya si Rep. Imelda Marcos ay hindi namin nadidinig, mga kababayan pa naman niya ang biktima sa Tacloban?

Betong kapalit sa trono ni Ogie sa Bubble Gang?!

Halatang ayaw magpatalbog ang Survivor Philippines winner na si Betong sa kasamahang si Diego Lorico sa taping na Bubble Gang. Hindi niya pinangarap na maagawan ng korona dahil sa kanya nakatutok ang mga tagahanga ng programa ni Michael V. bilang kapalit ng lumayas nilang katropa na si Ogie Alcasid.

Anyway, hindi na naman hinahanap si Ogie sa show dahil maraming bagong pakulo si Michael V.  Pero sana maglagay siya ng iba pang komedyanteng dating sikat na bibihirang mapanood ngayon. Boring kasi kapag paulit-ulit ang mga mukhang napapanood sa TV.                                          

AGA MUHLACH

BETONG

BUBBLE GANG

DIEGO LORICO

IMELDA MARCOS

MEGA AND THE SONGWRITER

MICHAEL V

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with