^

Pang Movies

Thai singer sa Korea ipo-promote ang local brand sa ibang bansa!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Malakas ang hangin pero tuloy ang ginawang pagharap ni Nichkhun, ng Korean boyband na 2PM, sa media bilang isa sa mga international endorsers ng Bench. Tatlong beses na palang nagpunta si Nichkhun sa Pilipinas. Nagkaroon na rin ng concert dito sa bansa ang 2PM at iyon ay naging isang malaking hit. Pero hindi Korean si Nichkhun, siya ay isang Thai, kaya lang sikat siya sa South Korea.

Kung sabagay, hindi lang naman siya sa South Korea sikat, kahit na dito sa Pilipinas ay sikat siya kasi nga may mga nagawa na rin naman siyang mga telenovela.

Tuwang-tuwa siya nang makita niya ang naglalakihang billboards ng Bench kung saan naroroon ang pictures niya pero sinabi nga nila ay kulang pa iyon dahil maraming billboards ng Bench na ibina­ba dahil sa bagyong Yolanda.

Sabi pa ni Nichkhun, kagagaling lang daw niya sa Germany, at nakakita siya roon ng isang Bench Store, at nasabi nga raw niya “that’s my brand,” kaya lang wala pa ang kanyang pictures doon. Pero binig­yan naman siya ng assurance na ang kanyang picture ay ilalagay din sa ibang mga Bench shops hindi lang sa Germany kundi ganoon din sa ibang bansa. Ang Bench kasi ay isa nang international brand. At maipagmamalaki nga natin na siyang kauna-unahang Filipino company na kinikilala na rin ngayon sa buong mundo.

Iyon ang dahilan kung bakit kailangan na nila ang international celebrity endorsers kagaya ni Nichkhun dahil ang mga iyon ang makatatawag ng atensiyon ng publiko sa kanilang mga produkto sa ibang bansa pero ang nakakatuwa sa Bench stores kahit na saan ay naroroon pa rin ang models at artistang Pinoy na endorsers din nila. Kaya nga common sight maging sa abroad ang hitsura nina Richard Gomez at ng iba pang artistang Pinoy dahil din sa kumpanya ni Ben Chan.

Kinabukasan, mabuti naman at lumayas na si Yolanda, kaya as expected ay dinayo ng maraming fans ang fan meet ni Nichkhun sa Trinoma, Quezon City at sa Mall of Asia, Pasay City.

Richard hindi pa maamin ang anak kay Sarah, iba ang nagkukumpirma

“Hindi kami nagko-confirm at hindi rin kami nagde-deny,” ganyan lang ang isinagot ni Richard Gutierrez nang matanong siya ulit kung totoo bang may anak na sila ng girlfriend niyang si Sarah Lahbati.

Sa mga ganyang sagot, ang ibig sabihin lang ay totoo nga iyon pero si­gu­ro ay may mga dahilan kung bakit hindi pa nila maaaring aminin publicly sa ngayon.

Hindi naman nila ikinakaila ang katotohanang iyon. Noon pa naman ay maraming ibang sources ang nag-confirm na talagang nanganak nga si Sarah at sinasabi nga ng marami na iyon ang dahilan nang biglang pag-alis niya noon, hindi naman dahil sa tinatakasan niya ang demanda ng GMA 7.

Palagay namin wala namang epekto ’yan sa popularidad ni Richard. Hindi mababawasan ang kanyang fans dahil tatay na siya. Dadami pa nga ang fans niya dahil tatay na siya, hindi siya kagaya ng ibang matinee idols na bading pala. Tatagu-tago pa.

Winner sa EB contest pekeng tambay

Napanood namin ang Eat Bulaga noong kasagsagan ng bagyo. May contest sila, ang That’s My Tambay. Pero paanong hindi mananalo ang kanilang winner eh professional dancer naman iyon? Aware kaya sila na ‘yung nanalo ay kasali na sa show ni German “Kuya Germs” Moreno, at dati ay naging member pa ng SOP Boys, sa Sunday show ng GMA?

IYON

NAMAN

NICHKHUN

PERO

SIYA

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with