^

Pang Movies

Richard gustong maging peacemaker sa mga demanda ni Sarah

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Although mas malaking pasabog ang ini-expect ng  showbiz press sa ipinatawag na press­con ng family ni Eddie Gutierrez, his wife Annabelle Rama at mga dumating na mga anak na sina Ruffa, Raymond at Richard, happy sila nang malamang nagkasundo silang gumawa ng isang family reality show, ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

In fact nagsimula nang mag-taping si direk Mike Carandang kahapon. Siya ang head ng One Mega Group’s TV 100 na co-producer ng Royal Era Entertainment at Inside Showbiz.

According to Raymond, matagal na nilang pinag-isipan ito pero hindi nila magawa dahil may kani-kaniya silang contract sa different networks, but now na pare-pareho na silang freelancer, itinuloy na nila.  Pero inuna muna nilang kumbinsihin si Richard na very private person at baka hindi pumayag ipakita ang true self niya.

Natanong namin ito kay Richard after the presscon at sabi niya, gusto rin naman niyang ipakita ang true self niya, dahil nagawa na niya ito sa ilang beses na pagho-host ng reality show na Survivor Philippines at sa documentary niya sa GMA News and Public Affairs na Pinoy Adventure.

Kung baga, peanuts na lamang sa kanya kung anuman ang ipagawa sa kanya, although hindi pa rin niya alam kung ano ba ang mga challenges  sa kanila ni direk Mike.  Isa pa, hin­di lamang sa Pilipinas nila kukunan ito da­hil pupunta sila ng Malaysia, Singapore at Thailand. 

Wala pa silang ibinigay na network na siyang magpapalabas ng kanilang family reality show, wala pa rin silang definite date ng airing, pero sure daw ito sa January, 2014.

Pero hindi tinantanan ng press na tanungin sina Annabelle at Richard tungkol kay Sarah Lahbati at kung may mas malaking pasabog pa sila sa mga susunod na presscon.

“Noong una kontra talaga ako kay Sarah,” sabi ni Annabelle.  “Pero nang madalas na namin siyang makasama sa mga travels namin, nakita kong mahal niya talaga si Richard. Abangan na lamang ninyo kung may ipakikita kami sa show namin.”

“Ayaw ko na munang pag-usapan ang mga ganoong issue, sana hindi kami napapangunahan, mas maganda kung sa amin manggagaling ang pagli­linaw, kasi maraming nangyayari, ang iba may basis, ang iba naman wala,” sabi ni Richard.

“Hintayin na lamang ninyo at the right time kung mayroon kaming ipahahayag.  Sa ngayon, ito na munang reality show namin at next week, may storycon na ako sa GMA Films para sa pelikula ko, an action-suspense movie.

“May napili na silang leading lady ko, pero hindi ko pa puwedeng sabihin kung sino.  Bago rin ang director ko.”

Tungkol sa kaso ni Sarah sa GMA Network at Atty. Annette Gozon-Abrogar, he’s hoping na ma­tatapos na rin ito, sa ngayon daw kasi nangingibabaw pa ang emotions, sana raw ay siya ang maging peacemaker at the right time.

vuukle comment

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

ANNETTE GOZON-ABROGAR

EDDIE GUTIERREZ

INSIDE SHOWBIZ

IT TAKES GUTZ TO BE A GUTIERREZ

KUNG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with