Cherie Gil nagpakitang gilas sa bagong indie
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng sneak preview ang pelikulang Mana produced by De La Salle College of Saint Benilde.
Istorya ng mga elitista sa Negros ang pelikula directed by Gabby Fernandez na isang professor sa Saint Benilde. Pinangungunahan ito ng mga batikang artista tulad nina Cherie Gil, Ricky Davao, Mark Gil, Tetchie Agbayani, Jaime Fabregas, Epi Quizon, at Fides Cuyugan-Asensio.
Si Fides ang matriach ng familia Villareal at ang pinakakrusyal na yugto dito ay nang ipatawag niya lahat ng kanyang mga anak para sa mana na kanilang tatanggapin.
Ano kayang klaseng mana ito? May kinalaman kaya ang sugar planÂtation na pag-aari ng kanilang ina? Sino sa kanila ang magmamana ng pinakamalaki? Ito ang sasagutin ng pelikula kapag ipinalabas sa mga sinehan.
Muli na namang magniningning dito si Cherie sa kanyang kakaibang pagganap. Bagama’t malayo ito sa kanyang performance sa Sonata kamakailan, may laban din ang akting niyang ipinamalas.
Sina Ricky Davao at Mark Gil ay nagpakitang gilas din sa kanilang ginampanang karakter. Si Ricky ay isang pulitiko dito. Si Mark ang tumatayong black sheep ng pamilya, iritado, at lasenggo.
Si Tetchie ay nakakapanibago ang role bilang sunud-sunurang anak sa kanyang ina. Nakakasimpatiya ang kanyang karakter.
Ang kahalagahan ng pamilya, ang mga tradisyon na iniingatan at pagpapahalaga ng bonding sa magkakapatid ang isang isinusulong ng pelikulang ito. Kaya karapat-dapat lang na panoorin ang horror-drama na ito.
Richard naghahandana sa pelikula
Panay ang gym ni Richard Gutierrez ngayon. Pinagaganda niya ang figure niya bilang paghahanda sa gagawin niyang pelikula sa GMA. Hindi na nga siya TV star ng GMA 7 dahil tapos na ang kontrata niya pero may kontrata pa pala siyang gumawa ng films dito. At dahil matagal na siyang bayad kailangan niyang gawin ang ano mang movie na i-assign sa kanya, huh.
- Latest