^

Pang Movies

Ariella frontrunner!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinalakpakan nang husto ang ating Miss Philippines na si Ariella Arida sa naganap na preliminary competition ng Miss Universe 2013 noong Tuesday night sa Crocus City Hall in Moscow, Russia.

Ginawa ng 85 candidates ang swimwear and evening gown of their choice.

Isa sa frontrunner para sa Miss Universe crown si Ariella at base sa kanyang naging performance sa three-hour event na pinalabas ng live sa Miss Universe website.

Sa swimwear competition ay nag-stand out ang 24-year old na taga-Laguna. Naging lead photo ang naka-swimwear sa preliminaries na si Ariella sa YouTube video nito.

Pati sa evening gown ay suot ni Ariella, stand siya sa yellow gown na gawa ng Colombian designer na si Alfredo Barraza.

Anak-anakan ni kuya Germs nagkaka-career na

Masaya ang isa sa mga anak-anakan ni German “Kuya Germs” Moreno na si Teejay Marquez dahil sa sunud-sunod na mga trabaho nito ngayon.

Bukod sa mga endorsements at indie movie na Chasing Boulevard, napapanood din si Teejay sa afternoon drama series na Pyra, Babaeng Apoy bilang si Beto, ang Fire Boy sa perya kung saan makikilala niya si Pyra na ginagampanan ni Thea Tolentino.

Lumabas na rin si Teejay sa mga Kapuso shows na Reel Love Presents Tween Hearts, Ikaw Lang ang Mamahalin, Time of My Life, Home Sweet Home, at Anna KareNina.

Nagpapasalamat ang Kapuso young actor dahil nakakaipon na raw siya para makabili siya ng second-hand na sasakyan.

Tinanong din si Teejay kung nakakatanggap ba siya ng mga indecent proposals? Sagot naman niya ay meron daw.

“Maraming beses na. Lalo na ‘yung nagme-message sa akin sa Facebook or sa Twitter. Pero siyempre, hindi ko naman ini-entertain.

Drew ang takaw sa Chinese food

Nagsalita na si Drew Barrymore tungkol sa kanyang pagbubuntis sa ikalawang pagkakataon.

Sey ni Drew na overjoyed sila ng kanyang husband na si Will Kopelman sa kanilang second baby. Natutuwa sila dahil magkakaroon na ng kapatid ang kanilang panganay na si Olive.

“Will is just thrilled — we both are — because we just wanted so badly for Olive to have a sibling. In some ways, it’s really for her. So congratulations, Olive!” sey pa ni Drew.

“It always feels so surreal, it’s incredible. I’m feeling incredible, that ‘Here we go again’ feeling.

“And blessed. Blessed! ... I’m feeling very, very happy. Happy and healthy — mentally and physically.”

Hindi na tinago ni Drew ang kanyang pagbubuntis sa media dahil ayaw niyang nagtatago pa sa mga paparazzi.

“Last time I never commented on it and people just stalked me the entire time. So yes, it’s happening, it’s true. I tried to keep it a secret for as long as possible.”

Hindi rin tinago ni Drew na matakaw siya ngayon.

“Oh my God, I’m eating everything! I can’t get enough of Chinese food. It’s all I want to eat!”

ALFREDO BARRAZA

ARIELLA

ARIELLA ARIDA

BABAENG APOY

CHASING BOULEVARD

CROCUS CITY HALL

DREW BARRYMORE

MISS UNIVERSE

TEEJAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with