Jake hindi na nag-effort sa pagba- bakla!
Ibayong sipag at pag-iingat ang ginawa ni Director Andoy Ranay sa paggawa ng When the Love is Gone for Viva Films. Unang dahilan ay base ang bagong pelikula sa Danny Zialcita classic film na Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi.
Both commercially and critically acclaimed ang naunang obra ni Zialcita, kaya’t ginawa ni Ranay ang lahat upang hindi mag-suffer in comparison ang bagong version na When the Love is Gone.
Pawang mga popular at mahusay na artista ang nasa cast ng new Viva release, kaya’t inspired ang direcÂtor sa pagbuo ng pelikula. Gusto rin niya na umaÂngat sa expectation ng publiko ang kanyang mga artista, lalo na sa mga nakapanood ng original cast ng pelikula ni Zialcita. Kung mga multi-award winners ang nasa Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi, pawang mga premyadong artista rin naman ang nasa When the Love is Gone.
Sina Gabby Concepcion, Alice Dixson, Cristine Reyes, Andi Eigenmann at Jake Cuenca ang bagong cast, na sa palagay ni Andoy Ranay ay nagÂbigay ng kanilang very best sa When the Love is Gone.
“It is a role that an actor encounter only once in his entire career,†sabi ni Gabby. Being paired with Alice and Cristine in a memorable film outing made Gabby perform his best.
Simple naman ang atake ni Jake as the gay husband of Cristine, pero sinigurado ng director na may sapat na impact ang performance ng actor. “He is the perfect choice for the role,†patunay ni Ranay.
Sa presscon ng When the Love is Gone sa CityÂbest Seafood Restaurant, naikuwento ni Gabby ang pagbati sa kanya ng happy birthday ni Paulo Avelino. Sinagot agad ng aktor na okay lang kung magkarelasyon sina KC Concepcion at Paulo.
“Kung talagang nagmamahalan sila, wala naman akong karapatang tumutol,†sabi ni Gabby. “Ibigay natin ang karapatan nilang lumigaya.â€
Matapos ang shooting ng When the Love is Gone na showing on Nov. 27, balak niyang umuwi muna sa bahay nila sa California. “Baka puro alikabok na doon. MabuÂting malinisan muna at maging maaliwalas muli na may masayang pamilyang nakatira.â€
TV5 bilyones pa ang kaiilangang malagas
Tatlong taon naging head ng entertainment section si Perci Intalan at mga ilang araw na lang, tapos na officially ang kanyang pagiging Kapatid.
As Wilma Galvante takes over with the title, chief entertainment content officer, she announced that she will break the “duopoly of ABS-CBN and GMA-7 in televesion industry.â€
Sa tatlong taong nanungkulan si Intalan, gumawa ng impact ang TV5 at nahanay na major network, pero bilyones ang nalugi ng network na tila mahigit pa sa halagang involved sa pork barrel scam.
Kabilang dito ang Artista Academy na gawa ni Galvante at pinagkagastahan ng milyones, sa concept at pag-enroll pa lamang sa mga new talents.
Sa pagtatangka ni Galvante na mawasak ang pamamayani ng ABS-CBN at GMA 7 sa TV scene, ilang bilyong piso pa kaya ang malalagas sa walang katapusang daloy ng salapi mula sa TV5?
Madaling magsalita, ibayong hirap ang paggawa!
Action star dog food ang ipinakain sa sidekick nang mag-Japan
Ang sikat na action star, pinakain ng dog food ang kanyang sidekick na comedian, noong nasa Japan sila.
Palibhasa nakasulat sa Niponggo ang etiketa ng produkto, kaya’t hindi malalaman kung pagkain nga ito ng aso o chichirya para sa tao. Halos naubos na ang isang paketeng dog food nang sabihin ang totoo sa komedyante.
Bumaligtad ang kanyang sikmura at nagsuka.
Ang mga underdog sa showbiz, tampulan talaga ng masasamang biro, na hindi pwedeng sikmurain.
- Latest