^

Pang Movies

KC umamin na ring nagdi-date sila ni Paulo, pero hindi seryosohan!

- Vinia Vivar - Pang-masa

May reaksiyon na si KC Concepcion sa ginawang pag-amin ni Paulo Avelino na nagde-date sila. Sumagot kahapon ang aktres sa kanyang Twitter account at aniya ay single pa rin daw siya.

Narito ang tweet niya:    

“Hi. So... I am not dating anyone EXCLUSIVELY. At least not yet! Just wanted to clear the air! Goodnight, Philippines.”

Nag-post pa siya ng isa pang tweet at ina­amin naman niyang nagde-date sila ni Paulo.

“To those asking: Yes @mepaulo­avelino & I enjoy each others company, yes we spend time, but nothing serious right now! I am still single,” dagdag na tweet niya.

German doktor na expert sa Fresh Cells therapy nasa bansa

Naririto sa bansa ngayon ang German internist and general practitioner na nag-perform ng Organotherapy with Fresh Cells kay Lorna Tolentino at Lolit Solis na si Dr. Robert Janson Mueller.

Na-meet namin kahapon sa presscon ang nasa­bing German doctor at ang kasama         niyang country representative na si Joey Santos. Naririto sila sa bansa to share how this groundbreaking treatment can revitalize people’s health and delay aging.

Mahaba ang paliwanag ni Dr. Mueller tungkol sa Fresh Cells therapy. To summarize, gumagamit sila ng sheep fetuses at iba raw ito sa stem cell therapy which uses human cells.

Kailangang pumunta sa Germany kung gusto mong mag-undergo nito dahil sa paliwanag naman ni Joey, kapag nag-slaughter ng tupa, kailangang ma-inject ito within 3 hours sa katawan ng tao para fresh pa ang cells nito. Hindi raw puwedeng magtagal.

Maraming puwedeng gamuting sakit ang Fresh Cells therapy kabilang na ang cardiovascular disease, chronic lung ang kidney disorders, chronic liver disease, neurological disorders, depressive moods, immune defiencies, exhaustion, lack of vitality, at marami pang iba.

Pero ang mga taong  may acute di­sease accompanied by fever, tuberculosis, malignant tumors in the acute stage, severe psychosis at maging ang mga pregnant women ay hindi raw maaaring mag-undergo nito.

When asked kung magkano naman ang halaga ng Fresh Cells therapy, ayon sa doktor ay nasa 700,000 sa ating pera.

Bukod kay Lorna T and Manay Lolit, siya rin ang gumawa kina Ricky Reyes, Sen. Ernesto Maceda, Manila Mayor Joseph Estrada, at sa anak ni Karen Davila.

serye ni angel tututok

sa ‘love quadrangle’

Ibinahagi kamakailan ng creative team ng The Legal Wife sa pangunguna nina Malou Santos at Des Tanwangco, ang matapang at makatotohanang kuwentong ilalahad ng pinakabagong fami­ly drama series ng Kapamilya network.

“Ang The Legal Wife ay kwentong pampamilya na iinog sa mga pinagdaraanan ng karakter ni Angel Locsin na si Monica. Hindi lamang ito tungkol sa mga totoong pinagdaraanan ng isang legal wife kundi maging ang iniisip at nararamdaman niya bilang isang anak, kapatid, ina, career woman, at kaibigan,” pahayag ng creative manager na si Henry King Quitain tungkol sa kanilang serye na pagbibidahan nina Angel, Maja Salvador, Jericho Rosales, at JC de Vera.

“Dapat ring abangan ng mga manonood ang big twist sa istorya, kung paano mabubuo ang ‘love quadrangle’ sa pagitan ng mga karakter, at kung bakit The Legal Wife ang titulo ng programa,” dagdag ng mga taga-produksiyon.

 

vuukle comment

ANG THE LEGAL WIFE

ANGEL LOCSIN

CELLS

DES TANWANGCO

DR. MUELLER

DR. ROBERT JANSON MUELLER

FRESH CELLS

LEGAL WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with