Kaya hindi kumita ang pelikula? AiAi at Marian ginawang pang-adult ang promo
MANILA, Philippines - Halatang matamlay ang first time na pagsasama sa movie nina Marian Rivera at AiAi delas Alas. Maganda sanang kombinasyon pero ang tema nang ginawang promo ay parang bold picture kaya marahil nasindak ang mga nanay na ipapanood sa kanilang mga anak ang nasabing pelikula.
Mistulang pang-R18 kasi kung ilarawan ang kasama nilang aktor na si Edward Mendez, na puwedeng bansagang bold star dahil sa kanyang “big bird.†Hindi kursunada ng fans ang ganitong tema ng movie para sa kanilang idol na si MaÂrian. Sayang, bihira pa naman ang pagkakataong magkasamang muli sina AiAi at Marian. Nagkaroon pa tuloy ng experience na walang naging kaingay-ingay ang nangyari sa kanila sa takilya.
Amy may peace of mind na, tatawa naman
Kuntento na si Amy Perez na nilayasan ang dating programa sa TV5. Hindi nga lang maganda kasi napagbintangan pa siyang nagtaray bago umalis sa show.
Prangkang babae si Amy, sasabihin talaga niya ang gustong sabihin. Suffocated na siya. Sa totoo lang dapat pang palakpakan si Amy dahil nakatagal siya sa isang uri ng show na walang ginawa ang mga contestant kundi magmurahan at mag-away dahil sa lalaki. Mabuti sana kung pogi ’yung pinag-aawayan, kaso mukhang ewan!
May peace of mind na si Amy ngayon dahil balik siya sa ABS-CBN at kapareha pa ang friend na si Roderick Paulate. Ngayon ay tawanan naman.
Genesis parang premonition
May komento kaming nadidinig na para raw natatakot manood ang mga televiewer sa Genesis ni Dingdong Dantes dahil naaalala nila ang nangyaring lindol sa Bohol at Cebu. Maganda ang naturang project kaso napasabay pa naman sa sunud-sunod na lindol. Para tuloy nagiging premonition. Huwag naman sanang mangyari ito bukas o makalawa. Ayaw nilang takutin ang kanilang mga sarili.
Anyway, may moral lesson naman ang istorya na matutong gumawa ng mabuti sa kapwa at huwag sambahin ang pera o kapangyarihan kundi si Lord.
Andi walang kaingay-ingay bilang anak ni Zuma
May mga nagtatanong bakit daw walang kaingay-ingay ang teleseryeng Galema, Anak ni Zuma gayong lahat na yata ng uri ng ahas ay pinagapang na sa lupa ng serye ni Andi Eigenmann.
Tila original na Zuma lang ni Max Laurel ang epektibo sa lahat. Bakit, ayaw na bang makakita ng ahas ang mga tao? Dahil kaliwa’t kanan nang meron sa ating kapaligiran?
- Latest