^

Pang Movies

Pero very hopeful sa love life Eugene naudlot sa British guy na nagparamdam sa Boracay

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sobrang dami ng nag-like sa picture ni Eugene Domingo sa Instagram na akma siyang hahalikan ni Richard Gomez habang sa background ay nakakunot ang noo ni Dawn Zulueta.

Akala nga namin ay may proyekto ang dalawa kaya may ganun silang picture pero, say ni Uge, hindi raw ’yun eksena sa teleserye or movie kundi nangyari talaga sa totoong buhay.

Nagkita raw sila sa ASAP kamakailan at hinalikan daw siya ni Goma na talaga namang ikina­kilig niya.

Say ni Uge, noon pa raw ay talagang hangang-hanga naman siya talaga kay Goma.

“Noong hindi pa ako masyadong artista, parang si Richard Gomez, ’di ba, ’yun ang peak? ’Yun ang Adonis. So, feeling ko, salamat naman, umabot ako,” natatawa niyang kuwento nang makatsikahan namin siya sa screening ng Status: It’s Complicated na showing na sa Nov. 6 kung saan ay kasama   niya rin sina Paulo Avelino, Maja Salvador, Solenn Heussaff, and Jake Cuenca mula sa direksiyon ni Chris Martinez.

Sana nga raw ay magkasama sila sa isang pelikula ni Goma dahil, oo nga naman, hindi pa sila nagkakasama sa kahit anong proyekto.

Sa mga taga-Kapuso naman, ang gusto raw niyang maging leading man ay si Jose Manalo.

“Natutuwa nga ako kasi parang nagiging factor siya sa mataas na ratings ng Celebrity Bluff (game show nila sa GMA 7). Hindi namin akalain na aabot kami ng Season 4,” she said.

Kasama rin nila sa show na ito si Wally Bayola pero dahil nga sa sex video scandal ay hindi na nila ito nakakasama ngayon. Aminado si Uge na noong una ay talagang sobrang lungkot nila na hindi na nila nakakasama sa show ang partner ni Jose.

“Pero na-survive naman namin. Noong una talagang ang lungkut-lungkot namin kasi siyempre he’s part of the original team, ’di ba? And I really prayed for him. And I really hope na makabalik pa siya dahil napaka-talented niya,” seryosong sabi ni Uge.

Samantala, natanong kay Uge kung ano ang status ng love life niya ngayon. Sagot niya, “Very hopeful.”

May British na nali-link sa kanya ngayon pero say niya, wala naman ’yun.

“Wala. Lumapit lang sa amin sa shooting sa Boracay,” say niya.

Pero wala raw ’yun dahil hindi naman daw niya na nakikita ang guy.

Ganun man, halatang masayang-masaya si Uge ngayon kahit loveless at aminado naman siya na ito ay dahil daw sa ganda ng nangyayari sa kanyang trabaho. Galing siya sa dalawang festivals na very, very successful at ito raw ang nakapagpasaya sa kanya.

“Kumbaga, relaxed ako, kasi maganda ang resulta ng screening and at the same time nakapagbakasyon. So, feeling ready to work again,” she said.

Sarah tutok na tutok na ma-perfect ang concert

Pasabog ang mga guest ni Sarah Geronimo sa kanyang Perfect 10 anniversary concert. Imagine, may Sarah na, may Lea Salonga pa, may Regine Velasquez pa. Sa’n ka pa?

 Bukod sa mga magagaling na female local artists na nabanggit, may foreign guest din si Sarah, ang favorite duet partner ni Kelly Clarkson sa singing competition na Duets sa Amerika na si Jason Farol na kasalukuyang nasa bansa para mag-promote ng kanyang album.

First time ni Sarah na makakasama sa concert ang international singer na kapwa niya coach sa The Voice of the Philippines na si Lea.

Si Regine naman ang laging wini-wish niyang guest sa kanyang mga concert.

At si Farol na nakilala sa Duets sa Amerika ay naka-duet na niya sa ASAP.

Tutok na tutok si Sarah ngayon sa rehearsals ng kanyang series of 10th anniversary concert na mag-uumpisa sa Nov. 15 sa Smart Araneta Coliseum, Nov. 30 sa Mall of Asia Arena, at Dec. 7 sa Cebu.

Ang Perfect 10 ay sinasabing mother of all concerts, bigger pa sa most successful concert niyang 24/SG.

 

AMERIKA

ANG PERFECT

CELEBRITY BLUFF

CHRIS MARTINEZ

GOMA

NAMAN

NIYA

RICHARD GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with