Claudine iniiwasan nang makausap ng best friend
MANILA, Philippines - Nakausap namin si Jenny Miller na kasama sa teleserÂyeng Pyra: Babaeng Apoy bilang Reyna ng Peryahan at kontrabida ng bidang si Thea Tolentino.
Kaibigan pa lang malapit ng aktres si Claudine Barretto at kinuha pa niyang ninang nang ito’y ikasal. Bongga ang regalo sa kanya noong ikasal — trip to Europe.
Last year ay regular ang communication nila ni Claudine pero ngayon ay nagte-text na lang siya rito pero hindi pinag-uusapan ang pinagdadaanang problema nila ng ex-hubby na si Raymart Santiago. Bilin din ng kanyang asawa na lumayo sa gulo at baka madamay sa problema.
Three years nang kasal si Jenny at ang Fil-Am husband nito pero hanggang ngayon ay wala pang anak. Pareho kasi silang busy sa kani-kanilang trabaho. Ang kanyang asawa ay may buy and sell business ng mga sasakyan. Siya naman ay abala sa taping na kapag dumating siya ng bahay ay tulog na si mister at kapag umalis ang asawa nito sa umaga ay tulog naman siya.
Pero pa raw silang laÂging nasa honeymoon stage at kapag libre sa commitments ay nasa out of town na bakasyon.
Natutuwa si Jenny dahil hindi naman siya nababakante sa mga show sa GMA7 at sinasabing para silang isang pamilya sa Pyra: Babaeng Apoy.
MGA KABATAAN UNANG NASASAPIAN
Mismong ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang nagpatotoo na sinasapian ng masamang espiritu ang mga tao lalo na ang mga kabataan. Kaya napapanahon ang pelikulang Sapi na idinirek ni Brillante Mendoza. Mga kabataan ang sinasapian dahil masyado silang emosyonal at nagiging mahina ang mga katawan.
Ayon kay Fr. Francis Lucas, teenagers din ang napo-possess kasi nag-a-idolize sila ng ibang bagay at karamihan sa kanila ay hindi naman nagsisimba.
Kaya para makaiwas sa pagsapi ng masamang espiritu ay gumamit ng mga sagradong bagay gaya ng rosary, scapular, at St. Benedict’s medal, na binibenÂdisyunan ng pari, sa halip na magsuot sila ng amulet o agimat.
Panoorin ang Sapi para malaman kung bakit sinasapian ang isang tao ng masasamang elemento. Palabas na ito sa Nobyembre 6.
- Latest