^

Pang Movies

Eugene hindi na kailangang kumbinsihin na maging kating-kati

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon ay nagkaroon ng special screening for the press ang Status: It’s Complicated na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Maja Salvador, Paulo Avelino, Solenn Heussaff, and Eugene Domingo mula sa direksiyon ni Chris Martinez.

Nakadalo na si Uge this time dahil matatandaang noong grand presscon ng movie ay wala siya’t nasa Japan for Tokyo International Film Festival na nanalo siyang best actress para sa pelikulang Barber’s Tale.

Sa pelikula ay nakipagpatalbugan sa paseksihan si Uge kina Solenn at Maja, sa totoo lang. And mind you, talagang nag-bathing suit din siya at may ilang sexy scenes din with Paulo and Jake.

Kaya nga natanong siya kung ano ang naging reaksiyon niya after watching the film.

“Ngayong ko lang siya napanood. Sabi ko, grabe naman ang mga character dito. Kating-kati lang, ’di ba? Parang gustung-gusto na nilang lahat na ikama sila ng isa’t isa, parang ganun. Wala naman kayong nakikitang ganung eksakto (na eksena). It’s all just fun. It’s all just teasing.

“I think the movie is very frank as far as ’yung desire for worldly pleasures are concerned,” say ni Uge.

Hindi ba siya nag-alangan na tanggapin ang ganung role gayong wholesome at pang-comedy ang image niya? Paano ba siya na-convince ni Direk Chris?

“Well truthfully, hindi naman ako kailangang i-convince and in fact, salamat at na-convince si Direk Chris at si Mother (Lily Monteverde) at saka si Ms. Roselle (Monteverde) na magawa itong remake na ito ng Salawahan para sa generation ngayon kasi naniniwala ko na ‘yung comedy niya is based on play of words. Hindi siya slapstick so it offers a new side of comedy pagdating sa filmmaking,” she said.

Ayon naman kay Direk Chris, this movie is a tribute to the late Ishmael Bernal na siyang direktor ng Salawahan noon. Aminado naman siya na hindi niya naabutan ang naturang magaling na direktor pero big fan daw siya nito.

“I’m a huge, huge fan of Ishmael Bernal. I’m a huge, huge fan of his films. Simula roon sa mga ginawa nila ni Mother like Relasyon, Broken Marriage, Pahiram ng Isang Umaga. Sobra talaga akong Bernal fan. Gusto ko lang ipakita sa pelikulang ito na hindi lang drama ang ginawa ng ating National Artist. Gumawa rin siya ng mga comedy at gusto na­ting i-celebrate ‘yun. Gumawa siya ng Wor­king Girls, gumawa siya ng Pabling, gumawa siya ng Tisoy and, of course, itong Salawahan.

“Gusto ko siyang bigyan ng parangal. Gusto kong ipakita sa younger generations natin that our National Artist, Ishmael Bernal was very versatile,” say ni Direk Chris.

Hirit pa ng direktor, hindi man daw niya inabutan ang iniidolo niyang direktor, invited naman daw ito sa premiere night ng Status: It’s Complicated.

By the way, the movie is showing on Nov. 6.

Character actor Renato del Prado namayapa na

Taos-puso kaming nakikiramay sa aming ka­ibigan at kasamahan sa panulat na si Pilar Mateo sa pagpanaw ng kanyang amang charac­ter actor na si Renato del Prado kahapon ng umaga (Nov. 2) sa San Diego, California, USA kung saan ito naninirahan kasama ang asawa’t mga anak.

Si Renato ay isa sa magagaling nating aktor noong dekada 70 at 80. Marami siyang nagawang proyekto sa pelikula at telebisyon but he was best remembered sa kanyang portrayal as Guido sa original version of Anna Liza na pinagbidahan noon ni Julie Vega.

Si Pilar ay panganay sa anim na magkakapatid mula sa asawa ni Renato. Kasama rin sa naulila ng character actor, na pumanaw sa edad 73, ang young actor na si Janus del Prado na anak naman niya kay Amy Robles.

AMY ROBLES

ANNA LIZA

BROKEN MARRIAGE

DIREK CHRIS

ISHMAEL BERNAL

NATIONAL ARTIST

RENATO

SALAWAHAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with