Thor inangkin ang mga sinehan sa Metro Manila
Nasipa ang mga pelikulang Pinoy o kahit ibang Hollywood movie sa pagdating ng sequel ng Thor sa mga sinehan ngayong linggo. Hindi naman lahat ng mga sinehan ay namumuro ng Thor: The Dark World pero sa Mall of Asia o MOA ay ganun ang nangyari nung Miyerkules ng gabi. Ang daming tao at lahat ay nagkasya sa sampung sinehan na ang palabas lang ay ang Hollywood film adaptation ng kuwentong hango sa Marvel Comics na pinagbibidahan ni Chris Hemsworth.
Ayon sa ticket attendant, hindi naman daw first time nangyari iyon sa kanila. Solong ipinalabas din ang Iron Man at Man of Steel sa unang linggo nito noon. Walang ibang nangahas sumabay. Pero hindi masabi ng attendant kung ganun din ang sitwasyon na ang Thor: The Dark World lang ang palabas sa ibang branch ng SM o sa MOA lang.
Sa Glorietta 4 sa Makati City naman ay nasabi ng isang kaibigan na tanging ang pelikula lang ni Tom Hanks na Captain Phillips ang nakasingit sa movie screening ng G4 sa kanilang pitong sinehan.
Mabuti na lang at maganda naman ang Thor sequel, ganun din ang Captain Phillips, kaya hindi manghihinayang kung walang ibang mapagpipilian na palabas. Pero baka ngayong weekend ay may pumasok na isa o dalawang bagong foreign films kapag nabawasan na ang pagdagsa ng Thor fans.
Lady Gaga sumabak na sa pelikula
Kung pagbabasehan ang malaking standee ng pelikulang Machete Kills, sa MOA pa rin, mukhang hindi maganda ang dating ng action film. Ang luma kasi ng design at ang baduy ng pamagat. Pero magugulat ang magbabasa ng nakalistang cast, mga bigaÂting Hollywood stars kasi ang nakalagay: Mel Gibson, Antonio Banderas, Cuba Gooding, Jr., Michelle Rodriguez, Vanessa Hudgens, Sofia Vergara, at may “and†bago ang pangalan ni Lady Gaga. Ginawa pang “introducing†si Charlie Sheen na nagtago sa tunay niyang pangalan na Carlos Esteves.
Ang Machete Kills ang debut film ng kontroÂbersiyal na pop star na si Lady Gaga. Medyo malaki ang picture niya sa nagsisilbing higanteng poster ng pelikula na matagal nang naka-display sa cinema section ng mall pero hindi pansinin. Ibig sabihin, binigyan ang singer-composer-dancer ng magandang role bukod sa billing.
Sa mga curious kung ano ang role niya o kung paano umarte, abangan na lang kapag showing na ang unang pelikula ni Ms. Gaga.
Pedro Calungsod film nakapuwesto na sa mga sinehan
Sa lahat ng mga kalahok na pelikula sa Metro Manila Film Festival 2013, tanging ang Pedro Calungsod: Batang Martir lang ang nakita kong may movie poster na. At matagal na.
Ilang buwan nang nakalagay sa isang frame na may salamin ang pinagbibidahan ni Rocco Nacino. Simple lang ang disenyo, nananalangin siya at may luhang dugo, pero nakakaantig na.
Mukhang maagap ang mga producer sa pagpaparamdam kahit man lang sa mga sinehan. Kung manonood talaga ang mga deboto, lalo na sa Cebu, hindi naman siguro mangungulelat sa takilya ang pelikulang hango sa ikalawang santo ng Pilipinas.
- Latest